AMILYN Kahit nasa elevator na kami, hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Mahigpit ang hawak niya. May paminsan minsan na nararamdaman kong pinipisil niya ang palad ko pero hindi ko na lang pinupuna. Mas pinili kong itikom ang bibig ko. Kinakabahan ako sa ‘di ko malaman na dahilan. At dahil dun, hindi rin ako makapag desisyon kung babawiin ko ang kamay sa kaniya or hayaan na lang siya sa kakahawak at kakapisil hanggang magsawa siya. Sa tuwing pipisilin niya ang palad ko, kasabay nun ang tila pagkabog ng dibdib ko. Yung mga kinikilos niya kasi, bago na naman sa akin. Bago sa pandama ko. Parang may iniiwang bakas ang bawat masayaran ng balat niya sa akin na siyang gumigising sa pinkainosente kong damdamin. Gusto kong baliwalain sana yung mga pasimple niyang pisil at haplos

