AMILYN Nagising ako sa magaan na haplos sa buhok ko, napangiti ako. Nagmulat ako ng mga mata. Agad akong napabangon nang mabungaran ko ang Ate kong nakatunghay sa akin. Malamlam ang mga mata niya. Kimi akong ngumiti sa kaniya. Napaderitso ako ng upo sa kama. “Okay na ba ang pakiramdam mo?” bakas ang pag aalala sa boses niya. Pero si Klient agad ang nasa isip ko. Nasaan kaya si Klient. Pasimple akong napatingin sa paligid, hinanap siya ng aking mga mata. “Umalis na siya, pinagbilin ka niya sa akin,” ang turan ni Ate kahit wala pa akong sinasabi. Taka akong napatingin sa kaniya. Nilingon niya ang pintuan ng kuwarto ko. “Mel, Jes, ilagay nyo na sa dala nating maleta ang mga importanting gamit ni Amilyn para makaalis na tayo,” agad akong nataranta. Ano daw? Aalis, bakit? “Aalis ta

