AMILYN Salubong ang mga kilay niya habang nanghahaba rin ang mga nguso niyang nakatitig sa mukha ko. Masuyo niyang pinisil ang baywang ko, parang kinukuha ang atensyon ko. Napakislot ako pero hindi ko siya pinansin pinagpatuloy ko lang ang pagkakabit ng necktie niya. Iniiwasan ko rin na mapatingin sa mga mata niya. Alam ko kasi kukunin na naman niya ako sa lambing at pagmamakaawa. Magdadalawang buwan na siyang hindi pumapasok sa opisina. Nawiwili siyang mag-stay sa bahay. “Bukas na lang ako papasok—“ “Baby, kahapon ganyan na rin ang sabi mo di ba? Magdadalawang linggo na yang bukas mo.” Natatawa kong sabi. “Ayaw ko pang pumasok, nami-miss na kita agad at ang mga bata,” napangiti ako ng ubod tamis. Kahit naman ako mami-miss ko rin siya dahil sa napakaikling panahon ay nasanay a

