AMILYN Inalalayan niya ako papunta sa tila naghihintay nang sasakyan namin. Masuyong pinisil niya ang palad ko. Malambing akong humilig sa balikat niya pagka-upo namin sa loob. “Tired, hmm?” ang masuyo niyang tanong sa akin. “Okay lang ako, kasama naman kitang napagod e,” nakanguso kong sabi at mas dinikit ko pa ang sarili sa kaniya. Masuyo niya akong kinabig at hinalikan sa tuktok ng ulo ko. “Tapos papagurin pa kita ulit mamaya,” tukso niyang sabi na kinatawa ko lang ng mahina. Magaan ko rin siyang nakurot sa tagiliran. Though, nakaramdam ako ng kasabikan, unang gabi namin bilang ganap na mag-asawa. Napakagat labi ako. “Okay lang din, pareho naman tayong mapapagod,” ang sakay ko na sa panunukso niya. He chuckled. He cupped up my face and kissed me hard. Agad akong lumaban. Pa

