AMILYN Pagkalam ng tiyan ang siyang gumising sa akin mula sa pagkakatulog, dahan dahan akong nagmulat ng mga mata. Aninag ko sa manipis at puting kurtina, ang makinang na sikat ng araw. Napangiti ako nang marinig ang ingay nilang mag aama sa labas. Napakagat labi ako nang maalala ang mga nangyari kagabi. Nagising ang mga anak namin dahil yata sa ingay naming dalawa. Agad kong dinaluhan ang mga anak ko pagkatapos kong ayusin ang sarili. Hinanap nila ang ama nila, then later on, pumasok si Klient na nakatapis ng tuwalya. Agad siyang kumuha ng damit at nagbihis, ang palihim na ngisi niya sa akin ay may ibig sabihin. Madiin ang tingin ko sa kaniyang sinaway. Pinatulog namin ang kambal na hindi naman nagtagal ay nakatulog na nga. Niyakap ko ang mga anak ko at saglit na pinikit ang ak

