Chapter 10

1742 Words
Habang lumilipas ang araw, hindi lang ang pamilyang kinamulatan ang aking pinoproblema kundi pati si Mariel na dumidistasya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kanyang problema, sinubukan ko naman siyang kausapin ng maayos ngunit lumalayo lang siya. Siguro ay dahil sa limitadong oras na lamang ang meron kaming dalawa at siyang pagiging malapit ko sa nabubuong groupo ng pagkakaibigan namin nila Jean. “Kailangan natin ng magandang lugar, iyong may magandang backgroup para sa sasayawan natin. Kung may alam kayo na lugar ay sabihin niyo para mapag-usapan natin kung pwede ang lahat.” Anunsyo ni Jean na siyang namamahala sa groupo namin. Sa ilang lingo namin na magkakasama ay nakita ko sa kanya ang galing sa pamumuno ng groupo pero ang ugali nitong nahuhuli sa oras ng kitaan ay siyang nagpapasira dito kaya tuwing uwian ay hindi namin hiinahayaan na mawala siya sa tabi namin, dahil siguradong wala kaming matatapos. “Sa amin na lang, sa loob ‘yon ng subdivision. Kakausapin ko na muna si Ate na kausapin ang guard para papasukin tayong lahat.” Suhestiyon ni Mary. Subdivision? Ngayon ko lang nalaman na sa loob siya ng mamahalin na lugar nakatira. Hindi halata sa kanyang porma at pananalita dahil madalas itong tahimik at nasa gilid. Napapansin ko nga lang ang existence niya dahil sa project na ‘to dahil parang hangin lang talaga siya sa klase. “Ayon naman pala!” masayang komento ni Lyka. “Tatlong scene na lang ang kailangan nating tapusin at ilang lingo na lang ay matatapos na din ang klase. Jazz, ang pinangako mong magppainom ka sa inyo ang pinaka-aabangan ko, bawal ang hanggang pangako lang dito.” baling nito kay Jazz na nangungulit kay Jean. “Oo, ako na ang bahala doon.” Aniya na nakataas pa ang mga kamay. Iba talaga ang mga tao na pinanganak na di inaalala ang pera na kanilang gagamitin, handang lumustay kahit sa bisyo na pupunta. Break time ngayon at iyon ang ginamit namin para makapag-usap, kung mamaya pa kami magplaplano ay siguradong walang paparatingan ang maghapon. Katulad na lamang nang nangyari nakaraan na imbis kumuha ng video at umarte ay naglaro ang lahat ng tumbang preso. Iyon na ata ang masasabi kong kakaiba na nangyari sa high school life ko, madalas kasi kami ni Mariel na nasa loob ng bahay at nag-iinternet lang pero iba ang trip nila Jean na maayos kong nasasabayan. Sayang lang at hindi namin kasama si Mariel, siguradong matutuwa din siya kung nagkataon. “Bababa ka na ba?” tanong ko sa kanya na tahimik na nakaupo pero inirapan niya lang ako at iniwas ang tingin. Dinaig ko pa ang may boyfriend sa pagtatampo niya pero dahil siya lang ang nag-iisa kong pinagkakatiwalaan ay kailangan ko siyang suyuin. Nag-iisa lang si Mariel at kahit kailan ay hindi ako makakahanap ng katulad niya. “Sorry na, ano ba ang ginawa ko?” sabay sundot ng bewang niya pero sa huli ay iniwan niya lang ako sa pwesto namin at sumama sa iba naming kaklase na nag-aya magpunta sa banyo. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Ang sakit na ng ulo ko sa bahay, pagod na katawan ko sa sandamakmak na activies at ngayon pati si Mariel ay nagtatamapo na din. Hayaan na nga siya. Kung maayos na din naman ang pag-iisip niya ay siya na mismo ang lalapit at kakausap sa akin. Nang dumating ang uwian ay umalis siya na hindi nagpapaalam sa akin at nag-uumpisa na mairita dahil sa kanyang inaasta. Kung may problema siya sa akin ay sana sabihin niya ng diretso, kung may nagawa akong hindi niya gusto ay handa naman ako humingi ng pasensya. “Nag-away ba kayo ni Mariel?” tanong ni Lyka na mukhang napansin ang paglayo namin sa isa ‘t isa. Sino ba naman ang hindi? Kulang nalang ay magdikit ang katawan namin dahil hindi kami mapaghiwalay adalawa sabay biglang magiging ganito. “Ewan ko doon. Hayaan na natin siya,” pagtatapos ko ng usapan. Ayaw ko magsalita mas lalo na ‘t mainit ang ulo ko dahil baka ang lalabas pa sa bibig ko ngayon ang tunay namin pag-awayan dalawa. Ayaw ko din magsalita ng laban sa kanya at pinapadaan sa iba dahil kung may problema kami sa isa ‘t isa harapan namin sasabihin. Madalas na nag-iiba ang kwento, ikaw na nagsalita ang madalas mababaliktad at maiipit sa hindi inaasahang problema. Matapos kumain sa bahay ng isa naming ka-groupo ay dumiretso na kami sa parke upang umpisahan ang kailangan gawin. Madali na lamang ang mga scene dahil malapit na din matapos ang short story na aming ginagawa. Habang naghihintay sa iba ay natigilan ako ng makita si Joven—ang isa naming kagroupo na humihithit ng sigarilyo at mukhang gumagawa ng tricks gamit ang usok nito. “Ano ang ginagawa mo dyan?” tanong ko. Aware ako na ang mga kasama ko ngayon ay may kanya-kanyang mga bisyo pero ngayon ko lang nakita sa mga mata ko na ginagawa nila ang bagay na ‘yon. Ngumiti sa akin si Joven at inabot ang isang stick ng sigarilyo. “Hindi ako naninigarilyo,” pagtanggi ko at binalik sa kanya ang hawak. “Sabi nila nakaadik ‘yan hanggat sa maari ay ayaw kong sumubok.” Paliwanag ko. “Hazel, high school ka, habang bata ka pa ay kailangan mong subukan ang mga bagay na akala mo ay mali. Katulad nito, hindi naman masama ang manigarilyo pero ang masama ay mag-adik ka.” Payo niya na hindi ko maintindihan. Ano ang hindi masama sa paninigarilyo? “Still.” Nagdadalawang isip na sagot ko. Tumawa lang siya at binigay sa akin ang hawak niyang may sindi. “Subukan mo ‘to, tatlong hithit lang at hindi na kita ulit papatikimin. Masyado kang inosente sa ganito, laging tama na lang ang ginagawa mo kaya hindi mo nakikita ang ibang parte ng buhay.” Aniya. Napatingin ako sa paligid, walang ibang tao maliban sa amin. Hindi ko din maiwasan ang ma-curious sa ginagawa nila, isa din naman akong bata na gusto masubukan ang lahat kahit alam kong bawal. Katulad ng kanyang sinabi ay humigop ako ng isang beses ngunit hindi pa man natatapos ay sunod-sunod na pag-ubo ang kumawala sa aking labi. “A-ano ba iyan?!” reklamo ko habang kinakabog ang dibdib at siya ay panay ang halakhak sa nangyari. “Ang lamig at maanghang sa bibig, masarap sa pakiramdam pero hindi pa din magbabago ang katotohanan na masisira ang ngipin ko sa ganyan.” Reklamo ko. “Wala naman nagsabi na uulitin mo ang ginawa mo ngayon.” natatawang usal nito saka ako inakbayan, “mukha kang seryoso sa klase, madalas na magkasama lang kayo ni kaibigan mo at lahat ay ginagawa para manguna sa klase. Iba ang tingin ko sa iyo sa una, mukha ka kasing mahirap pakisamahan pero mali pala ako ng pag-aakala. Simula ngayon, sabihin mo sa akin kung may nang-aaway sa iyo, ako ang bahala mag-abang sa labas ng gate.” Pag-aalok niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niya o magagalak. Wala naman akong kaaway sa school, hindi naman ako madamot kahit madalas akong buraot, at mas lalong hindi ko pinapairal ang init ng ulo ko sa ibang bagay. Lumaki ako na kinokontrol ang nararamdaman at lalabas sa aking bibig. Sa buhay na aking kinalakihan ay ‘yon lang ang isang paraan para di na gumulo ang lahat. “Wala naman akong kaaway, ayos na sa akin ang ilibre mo ng ice candy.” Aniko na medyo may kakapalan ng mukha. Iiling-iling siyang tumayo at tinapon ang sigarilyo. Sa labas ng gate ay andoon ang ibang kumukuha ng video, nagpaalam itong may bibilhin at makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Joven na may dalang plastic, andoon ang hiniling ko sa kanya. “Salamat!” tuwang-tuwa na pasasalamat ko. Dos ang isa, muraman sa paningin ng iba pero sa akin ay malaking bagay na. Sa dalawang pisong kulang ng pera ay maaring hindi ka makasakay ng jeep o kahit tricycle, hindi ka makakabili ng inumin kung kulang dos pesos ang pera. Iyan ang laging nasa aking isipan. “Kung dumating ang araw na yumaman ako, hindi ko kayo kakalimutan lahat.” Aniko sa kanila na kinataas ng kilay ng iilan. “Binigyan ka lang ng ice candy ni Joven kung ano-ano na sinasabi mo.” pagtataray ni Lyka. Nagkibit balikat ako at natawa. Hindi nila alam na simpleng pagpapatawa sa akin ay malaking bagay na para sa akin, kahit papaano ay nakakalimutan ko ang buhay sa bahay na uuwian at problemang kinakaharap. Sabi nila, sa edad ko ay masyado pa akong bata para magdrama pero sa daming emosyon kong nararamdaman ay masasabi kong may rason ako para umiyak at sumuko. At dahil hindi uso sa akin ang salitang suko ay kahit kailan ay hindi ‘yon mangyayari. Palubog na ang araw pero nakaupo pa din kami sa gilid ng parke habang nakatingin sa naglalabasan mga estudyante sa elementarya. Ang ibang lalaki naming kasama ay nagbibisyo sa gilid at tahimik na na nag-uusap-usap patungkol sa kanilang mga buhay. “Hindi ko inaasahan na makakasundo ko kayo. Sana sa susunod na pasukan ay magkakasama pa din tayo, siguradong marami pa tayong oras na magkakasama.” Aniko. “At next year, sana ay igsian mo na ang palda mo na kulang na lang ay umabot na hanggang tamapakan.” Pambabara ni Lyka. Imbis na mapikon ay natawa ako sa aking sarili. Huling taon na namin sa Junior High sa susunod na taon kaya pwede ko ng ipaputol ang palda ko, “Iniisip ko na baka tumangkad pa ako pero mukhang wala ng pag-asa, papag-isian ko na tulad ng gusto mo.” aniko. Nagtatawanan lang kaming lahat at nakaramdam ako ng pagkagaan ng aking puso. Hindi naman pala masama ang mapasama sa makukulit at mabisyo na katulad nila, basta kaya mo lang limitahan ang sarili mo sa alam mong bawal at mali para sa sarili mo. Oo nga ‘t kasama ko sila—ang mga tao na minsan kong hiniling na huwag makasama pero mas nag-eenjoy ako kasama sila ngayon, ang magkaroon ng maraming kaibigan ang sarap pala sa pakiramdam. Kahit ganito ay hindi pa din magbabago ang pangarap ko, iyon ang maayos na makapagtapos at may ipagmalaki sa lahat. At ngayon, hindi lang para sa sarili ko ang pangarap na ‘yon kundi para na din sa mga kaibigan ko na narito ngayon pati na din kay Mariel
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD