Kabanata 8

2923 Words
“Alana, saglit lamang,” sambit ko kay Alana nang makita ko na may papasalubong sa kaniyang lalaki na bigla na lamang sumulpot sa kung saan at ngayon ay natakbo nang napakabilis papalabas ng bayan na para bang may humabol sa kaniya. Agad kong hinila si Alana papalapit sa akin upang hindi siya masagi ng lalaking iyon, at laking pasasalamat ko naman na hindi ako nahuli nang gawin ko ang bagay na iyon sapagkat naramdaman ko kung gaano kabilis na tumakbo ang lalaking iyon sa gilid namin. Napahinga na lamang ako nang malalim sapagkat iyon na ata ang pang-apat na hindi magandang pangyayari noong makapasok kami ni Alana sa bayan na ito. Iyon ang pang-apat na pagkakataon na may ganoong pangyayari, at hindi ko mawari kung bakit tila ba hindi matahimik ang lahat ng tao rito sa lugar na ito. Labis ang aking pagtataka sapagkat tila ba mas malala pa ang sitwasyon sa lugar na ito kaysa sa bayan kung saan naninirahan si Alana. Tila ba mas magulo ang nangyayari sa lugar na ito, sapagkat noong pagkatapak na pagkatapak pa lamang namin sa lugar na ito, nakita ko na kung gaano kagulo ang lahat. Nakita ko na kung paano sila tila ba naglalabanan para sa bagay na hindi ko rin mawari kung ano – tila ba kailangan nila iyong gawin upang mamuhay, na nagpakirot sa aking puso sapagkat hindi ko inaasahan na ganito rin ang aking madadatnan sa lugar na ito. Akala ko kasi ay ang bayan lamang ni Alana ang ganoon ang sitwasyon, ngunit tila ba nagkamali ako sapagkat katulad ng mga nangyayari sa bayan ni Alana, kahit na saan pa man ako tumingin sa lugar na ito ay puno ng kaguluhan. Kahit saan pa man ako tumingin ay walang katimikan na nangyayari. Muli akong napatingin sa lalaking muntik nang makabanggaan ni Alana kanina, ngunit laking gulat ko na lamang nang makita ko na naabutan na pala siya ng taong tinatakasan niya at ngayon ay binubugbog na siya sa harapan nang napakaraming tao. Narinig ko ang pagtangis niya, ngunit wala man lang ginagawa ang mga taong nakapaligid sa kaniya, at tila ba nasisiyahan pa ang mga ito habang sinasabi ng mga ito na ipagpatuloy pa nila ang pambubugbog sa taong iyon sapagkat nakagawa ito ng kasalanang hindi nila mapapatawad. Kumuyom ang aking kamao sapagkat alam ko na hindi tama na gawin nila ang bagay na iyon sa taong iyon kahit na may nagawa pa itong mali, at akmang lalapit ako sa kanila upang sabihin iyon, ngunit naramdaman ko na may pumigil sa akin na naging dahilan upang mapatigil ako sa aking dapat gagawin. Lumingon ako sa taong iyon upang tanungin kung bakit nais niya akong pigilan, ngunit napatikom ang aking bibig nang makita ko na si Alana pala iyon. Si Alana na may may madilim na ekspresiyon sa kaniyang mukha habang nakatitig din sa nangyayari sa aming harapan. Nakita ko rin ang pagtagis ng kaniyang bagang na para bang pinipigilan lamang niya ang kaniyang sarili na may gawin sa mga taong ito. Nararamdaman ko rin ang higpit nang pagkakahawak niya sa aking braso na para bang alam niya na may gagawin ako upang iligtas ang taong iyon, kaya naman pinigilan na niya ako sa nais kong gawin. Akmang magtatanong kung bakit kinakailangan niya akong pigilan, ngunit muli kong itinikom ang aking bibig nang marinig ko ang sumunod na katagang lumabas sa kaniyang bibig, sapagkat alam ko na hindi na talaga siya papayag pa na lumapit ako sa nangyayari sa aming harapan. “Pigilan mo ang iyong sarili, Ambrose,” may diin ang bawat salitang binibitiwan niya na para bang nais niyang ipabatid sa akin na hindi ko talaga maaaring lapitan at tulungan ang aking sarili. “Wala tayong kalaban-laban sa kanila kung a’tin siyang tutulungan.” Nakita ko na mas lalong dumilim ang kaniyang mukha nang marinig niyang naghiyawan ang mga tao na nakapaligid pa rin sa lalaking iyon, na para bang may mangyari na labis nilang ikinasiya – ngunit nasisigurado ko na hindi naman talaga iyon nakatutuwa sapagkat naririnig ko pa rin ang paghingi ng tulong ng lalaking iyon. Kumuyom ang aking kamao, ngunit hindi ko na pinilit pang lumapit sa nangyayaring kaguluhan sa aming harapan nang marinig ko ang sumunod na sinabi ni Alana – ang mga salitang labis na nakapagpataka sa akin at mga salitang nagbigay nang napakaraming katanungan sa aking isipan, na alam kong hindi ko masasagot kung sarili ko lamang. “Siguradong kapag lumapit tayo diyan sa nangyayari ay madadamay pa tayo. Mas lalong maeengganyo ang mga tao na lumapit at mas lalo pa na’ting maipapahamak ang taong iyon,” sambit niya, nang hindi nagbabago ang ekspresiyon sa kaniyang mukha na mas lalo pang nakakuha ng kuryusidad ko. “Wala tayong magiging laban sa kanila sapagkat alam ko na may hawak din silang mahika – mahika na maaari pa na’ting ikapahamak.” Tumingin muli ako sa nangyayari sa aming harapan upang tignan kung tama nga ang kaniyang sinabi, at doon ko lamang napansin na tila nga may ginagamit na mahika ang taong bumubugbog at ni wala man lang ginawa ang taong nahingi ng saklolo sa kadahilanang hindi ko rin mawari kung ano iyon. “Halika na at umalis na tayo sa lugar na ito, Ambrose,” sabi niya muli sa akin nang hilahin niya ako papalayo sa lugar na iyon. “Malapit nang sumapit ang dilim at alam ko na mas lalo pang gugulo ang lugar na ito sa oras na dumilim na ang buong paligid.” Tinignan ko siya nang mabuti matapos noon sapagkat nararamdaman ko ang pagnginig ng kaniyang mga kamay na para bang siya ay galit na galit ngunit wala siyang magawa kung hindi ang talikuran ang nangyayari sapagkat alam niya sa sarili niya na wala rin naman siyang magagwa para sa taong iyon – alam niya na ang tanging magagawa lamang naming dalawa ay ang magpatuloy sa paglalakad kahit na parehas naming hindi alam kung saan kami pupunta sa bayan na ito. “Kailangan na na’ting makahanap ng matutuluyan bago pa mangyari iyon sapagkat kahit na hindi man na’tin gustuhun, siguradong madadamay at madadamay tayo sa mangyayari.” Alam ko na takot siya sa maaaring mangyari, kung ano man iyon, kaya naman hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapatanong kung bakit ganoon na lamang ang takot na nararamdaman niya? Bakit ganoon na lamang ang nginig nang kaniyang mga kamay na para bang ang maaring mangyari sa gabing ito ay karumaldumal at wala man lang kaming magagawa para roon. Nais ko na lamang sanang ipagsabukas ang pagtatanong sa kaniya, sapagkat nakikita ko sa kaniyang mga mata na natatakot talaga siya sa maaaring mangyari, ngunit hindi ko na napigilan pa ang aking sarili nang makita ko kung gaano na kagulo ang paligid namin. Tila mas magulo pa ito kaysa kanina. Mas lalo pang dumami ang tao sa labas at mas lalo pang dumami ang taong naghihiyawan habang kabi-kabila ang mga nag-aayaw at wala man lang ni isa ang sumubok na pigilan ang mga ito – wala man lang ni isa ang matapang na nagsalita habang patuloy lamang sila sa paghihiyawan. “Bakit ba nangyayari ang bagay na ito?” tanong k okay Alana makalipas ang ilan pang mga minuto na pinagmamasdan ko ang mga taong nadadaanan namin sa bayan na ito. “Napansin ko rin ang kaguluhan sa bayan kung saan ka naninirahan. Ganito ba talaga ang nangyayari sa mundong ito?” Pilit kong inaaalala kung may ganito rin ba akong ala-ala sa aking nakaraan, ngunit wala naman akong maisip sapagkat wala pa rin talaga akong maalala na kahit ano. Hindi rin naman pamilyar ang ganitong sitwasyon sa akin, kaya naman iniisip ko na baka ito ang unang beses na nakita ko ang bagay na ito – ito siguro ang unang beses na nakita mismo ng aking mga mata ang kaguluhan na katulad nito. “Ang totoo n’an, matagal na magmula nang may ganitong nangyayari sa mundong ito.” Bigla akong napatingin kayAlana nang marinig ko ang bagay na iyon mula sa kaniya at doon ko lamang nakita na nagbago na ang ekspresiyon sa kaniyang mukha. Hindi na siya nakahawak nang mahigpit sa akin at naglalakad na lamang siya sa aking tabi. Naroroon na naman ang lungkot sa kaniyang mga mata habang sinasambit niya ang bagay na iyon na para bang labis siyang nasasaktan dahil sa kaniyang iniisip. Nakikita ko na hindi rin niya ninanais na may nangyayaring ganitong bagay sa mundong ito. “Nagsimula lamang ito noong…” Napatigil siya na para bang hindi niya alam kung itutuloy ba niya ang susunod niyang sasabihin o hindi, ngunit sa huli ay napa-buntong hininga siya at ipinagpatuloy siya sa kaniyang pagku-kuwento. “Mula noong araw na iyon na bigla na lamang dumilim ang paligid na para bang ang mga diyos at diyosa ay nag-aaway-away kung nasaan man sila naninirahahan.” Ito ang unang beses na narinig ko ito mula sa kaniya. Ito ang unang beses na narinig ko ang bagay na katulad noon mula sa kaniya sapagkat lagi lamang tikom ang kaniyang bibig sa tuwing may tatanungin akong bagay sa kaniya. Lagi niyang iniiba ang usapan kaya naman hindi na ako nagkakaroon ng pagkakataon na maitanong sa kaniya ang nalalaman niya tungkol sa mundong ito. “Magmula noong araw na iyon, hindi na naging tahimik pa ang Llamante, ang mundong ito.” Napa-buntong hininga siya na para bang naaalala niya ang bagay na nangyari noong araw na iyon, na mas lalong nakakuha ng atensiyon ko sapagkat nais kong malaman ang buong detalye ng mga nangyari. “Sunod-sunod nang nagkaroon ng labanan sa paggitan ng mga namumuno ng bawat lugar, wala na ring sumusuway sa mga taong gumagawa ng krimen sa bawat isa, at higit sa lahat, hindi na nagkaroon ng katahimikan sa kahit na ano pang lugar.” Ipinalibot niya ang kaniyang tingin sa nangyayari sa bayan na ito ngayon, at muli na naman siyang napahinga nang malalim na para bang hindi niya kayang tignan ang mga bagay na nangyayari sa lugar na ito ngayon – na para bang hindi niya maatim na nakikita niyang ganito pa rin ang nangyayari sa lugar na ito. “Kagaya na lamang ng nangyayari ngayon.” Muli kaming naglakad at doon ko lamang napansin na para bang may kulang sa bayan na ito. Ngayon ko lamang napansin na tila ba may mali sa lugar na ito, kaya naman agad kong hinarap si Alana upang magtanong, ngunit patuloy pa rin kami sa paglalakad habang nangyayari iyon. “Ang sabi mo ay may namumuno sa mga lugar na naririto sa Llamante.” Tumango agad siya nang marinig niya iyon, kaya naman ipinagpatuloy ko ang aking nais na itanong. “Ngunit bakit tila ba wala akong nakikitang kahit isa na namumuno sa lugar na ito?” Kahit saan kasi ako tumingin ay wala akong nakikita na taong para bang may mataas na katungkulan sa bayan na ito. Kahit na saan ako tumingin, parang mga normal na tao lamang ang naririto at wala nang iba pa. Napaka-imposible naman kasi na sila lamang ay mananatili sa iisang lugar habang may ganitong pangyayari sa lugar na ito. Kahit na sinabi ni Alana na wala nang pakialam ang mga namumuno sa nangyayari sa kaniyang nasasakupan, alam ko na hindi naman niyo palalagpasin ang pagkakataon na katulad nito. “Nang dahil sa mga labanan na nangyayari sa bawat lugar na nasasakupan nila, upang mas palawakin pa ng mga ito ang kanilang nasasakupan, may mga maliliit na bayan na katulad nito ang nadamay,” pagpapaliwanag ni Alana, at mukhang alam ko na kung ano pa ang mga susunod niyang sasabihin tungkol ditto. “Wala silang kalaban-laban sapagkat maraming batalyon ang dumarating sa oras na may labanang nangyayari.” Nakikita ko sa aking isipan ang mga maaaring nangyari sa mga oras na iyon. Nasa imahinasyon ko ang mga bagay na alam kong hindi maiiwasan sa gitna ng laban, katulad na lamang ng pagkawala ng buhay ng iyong minamahal, o ‘di kaya naman ay ang pagkawala ng mga ari-arian ng bawat tao na dapat naman talaga ay sa kanila. “Napilitang umalis ang mga namumuno ng maliliit na bayan na katulad nito upang iligtas ang kanilang sarili, na hindi man lang iniisip ang kapakan ng mga nasasakupan nila.” Narinig ko na para bang nanggagalaiti na siya sa galit, ngunit pinipigilan lamang niya ang kaniyang sarili na sumabog sa galit sapagkat alam niya sa kaniyang sarili na wala rin namang mangyayari kung papairalin niya ang ganoong emosyon ngayon – alam niya na wala rin naman siyang magagawa kung pakikinggan niya ang emosyon na nararamdaman niya ngayon. “Nagtago sila upang hindi na sila madamay pa sa gulo, kasama ang kanilang mga pamilya, ngunit dahil nga nais ng mga mas malaki pang mga lugar na tanggalin ang mga ito sa puwesto, may ilan sa kanila na hindi na nakaligtas pa at iyon na ang kanilang huling nagawa.” Nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang mga kamao at ang pagtagis ng kaniyang bagang na para bang galit na galit na talaga siya. “Wala na silang nagawa kung hindi ang magmakaawa para sa kanilang buhay, ngunit hindi sila hinayaan ng mga ito at doon na nga nila nakamit ang kanilang kamatayan.” Umiling-iling si Alana bago ito napa-buntong hininga na para bang hindi na niya nais pang maalala ang mga bagay na iyon – na para bang pinipigilan na niya ang kaniyang sarili na maalala pa ang lahat nang pangyayaring iyon sa nakaraan niya na hanggang sa ngayon ay nakikita pa rin ang resulta ng labanan sa pagitan ng mga bayan na iyon. Nakikita pa rin ang kaguluhan sa kahit na ano pa mang bahagi ng lugar sa mundong ito, at mukhang hindi pa rin ito magtitigil kahit na ano pa man ang mangyari. Tila ba wala silang makitang solusyon na maaaring makapagpatapos sa lahat ng nangyayari sa mundong ito, at matatagalan pa bago pa man masolusyonan ang problemang ito. Napa-buntong hininga rin ako dahil sa aking mga naiisip, bago ko naaalala ang katulad na pangyayari sa lugar kung saan naninirahan si Alana. Naaala ko na parang halos magkatulad lamang ng situwasyon ang bayan na ito at ang bayan kung saan kami nanggaling ni Alana. Doon lamang ako tumingin sa kaniya at nagtanong, “Ganoon din ba ang nangyari sa lugar kung saan ka naninirahan?” Agad na tumango si Alana sa aking katanungan, ngunit may isa pa ring bumabagabag sa aking isipan kaya naman hindi ko na pinigilan pa ang aking sarili na magtanong sapagkat tila ba hindi niya pinipigilan ang kaniyang sarili ngayon na magsalita tungkol sa kaniyang nalalaman. “Ngunit bakit tila hindi naman gaanong kagulo ang lugar na iyon kaysa rito?” tanong ko sa kaniya, sapagkat napansin ko na noon pa na para bang may mga parte sa bayan na iyo na payapa, kagaya na lamang ng mga bahay na nalalapit lamang sa tahanan ni Alana. “Napansin ko kasi na hindi naman ganoong kagulo ang bayan na iyon sa tuwing sasapit ang gabi, hindi katulad ng lugar na ito.” Pinalibot kong muli ang aking tingin sa lugar na ito, at nakita ko na mas lalo pang dumami ang tao sa labas ng kanilang tahanan na para bang may hinahanap silang mga bagay – na para bang hayok sila sa gulo at iyon lamang ang nais nilang makita sa lugar na ito ngayon. Akala ko ay sasagutin ni Alana ang aking tanong, kagaya ng kaniyang ginawa kanina, ngunit kumunot ang aking noo nang mapansin ko na para bang natahimik siya nang dahil doon. Napatigil pa nga ako at doon ko lamang nakita na hindi na siya naglalakad at ngayon ay nakatitig na lamang siya sa akin. Hinanda ko na ang aking sarili sapagkat nahihinuha ko na kung ano ang susunod na mangyayari. Alam ko na ang susunod niyang sasabihin sa akin, at mukhang tama nga ako sa aking nahinuha sapagkat nang marinig ko ang kaniyang mga sumunod na sinabi, hindi na ako nagulat pa at sa halip ay nagpatuloy na lamang ako sa aking paglalakad. “Iyan ang isa sa mga bagay na hindi ko masasabi sa iyo ngayon, Ambrose.” Napa-buntong hininga na lamang ako at nagpatuloy sa aking paglalakad sapagkat alam ko na hindi na talaga siya magsasalita sa oras na sabihin niya ang bagay na iyon. Alam ko na mananatiling tikom ang kaniyang bibig at hinding-hindi niya talaga iyon sasabihin sa akin kahit na ano pa man ang mangyari. Kilala ko na siya, kaya alam ko nang hindi na talaga siya magsasalita kaya naman hindi ko na siya pinilit pa. Mukhang alam na rin niya na hindi na rin naman ako magsasalita tungkol pa doon, sapagkat nagpatuloy siyang muli sa paglalakad sa aking tabi. “Galit ka ba?” tanong niya sa akin at hinawakan pa niya ang braso ko, kaya naman agad akong umiling at bumuntong hininga. “Alam ko naman nang hindi ka na magsasalita kaya hindi na ako nagpumilit pang makuha sa iyo ang sagot na nais kong marinig.” Ngumiti lamang siya sa akin, at akmang magsasalitang muli, ngunit parehas kaming napatigil nang marinig namin na bigla na lamang may naghiyawan sa isang lugar na hindi kalayuan sa amin. Agad kaming sabay na napalingon doon sapagkat ang akala naming pareho ay may nangyari na namang katulad noong kanina, ngunit agad na kumunot ang aking noo nang makita ko ang nangyayari. Marahan pa ngang hinila ni Alana ang aking braso na mukhang hindi rin niya inaasahan na makikita niya rin ang bagay na ito sa gitna ng bayan na puno ng kaguluhan. “Tama ba ang aking nakikiita?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD