Louis: NATULALA AKO. Hindi makakilos sa kinatatayuan sa sinaad nito. Napasunod na lamang ng tingin sa pigura ng mga itong paliit nang paliit sa aking paningin. Hindi ko namalayang rumaragasa na pala ang luha sa aking mga mata na naiwang mag-isa dito sa harapan ng penthouse namin. Nanghihina akong napasandal ng pintuan. Bagsak ang balikat na tila pasan ang buong mundo sa itsura sa tuluyang pang-iiwan niya sa akin at sumama sa iba. Napadausdos akong napasalampak ng sahig. Kahit gusto ko siyang pigilan ay para akong tinakasan ng lakas ko na ultimo tumayo ay hindi ko magawa. "Louis?" napaangat ako ng mukha nang marinig ang pamilyar niyang boses na tumawag sa akin. Natigilan akong napalunok at dahan-dahang napatayo na mabungaran ang mala-anghel sa amo niyang mukha na nakangiti sa akin.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


