Chapter 2

1061 Words
HINDI 'yon utos dahil nag-sabi s'ya ng please. Well, this girl is something. Although, hindi ko pa rin alam kung paano s'ya naging highly recommended ng superior n'ya kung ubod ng suplada. Aminin mo, maganda s'ya at matalino. You've seen her transcripts from school at simula elementarya hanggang makatapos ay scholar s'ya. Natural ang sipag at marunong makipag-kapwa tao.  "Okay, well --" nagsisimula pa lang akong magsalita ay pinutol na n'ya. "I am not here to chit chat with you. Please call Mr. Valencia so we can talk," ramdam ko ang inis sa boses n'ya.  "Are we talking about the same person here?" tanong ko sa kanya. Napahilot ito sa sentido. I think she looked very cute kahit nawawala na ang composure n'ya sa inis sa akin.  "The owner of the hospital? He's about sixty-ish, thinning hair, some freckles. He's your boss for Pete's sake. You know him," pinaningkitan na n'ya ako ng mata. Ah, there's that glint I was looking for. Interesting.  "Why don't you have a seat and since it's lunch time, mag-oorder na rin ako. Anong gusto mo?" tanong ko sa kanya. "I am not here to have a lunch date with you, Mister -- whatever your name is. I'm here for work so please, pakitawag na s'ya," mukhang nawawalan na s'ya ng pasens'ya sa akin.  "Maupo ka at tatawagin ko s'ya." "Okay, thanks," naupo naman ito at kapit pa rin ang chips at soda.  Akala ko ba ay healthy eater ang mga nurses? I mean, they usually tell the patients what to eat right? Practice what you preach, ika nga. I decided to call my father and put him on speak phone. Siguradong matatawa s'ya sa nangyayari sa akin ngayon. Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot nito. "Mi hijo, this better be a good one. I am in the middle of playing golf," natatawang sabi nito. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Emerald. "Sorry Dad, this will be quick. But can you tell me who I am?" Napabuga ito ng hangin. "Jose Manuel, nahawa ka na sa kaibigan mo. Kapag nakita ko si Lorenzo ay pagbubuhulin ko kayong dalawa. You are my only son. Now leave me in peace so I can play with my amigos. I'll see you later for dinner at home," ibinaba na nito ang tawag ko.  I saw her face drained the moment she realized who she was talking to earlier. Nagpigil ako ng tawa dahil baka makadagdag pa sa hiya n'ya.  TINAKASAN ng dugo ang mukha ko ng marinig ang usapan nila ng kanyang ama. My gosh! How can I be so tactless? Usually naman ay composed ako. But this man always brings out the worst in me. Madali akong mainis sa kanya. Hindi naging maganda ang una naming pagkikita at siguro nga ay hindi ako nasaktan noong araw na 'yon -- pero natakot pa rin ako. Hindi para sa akin pero para sa aking ina. Paano kung nabangga n'ya ako at namatay ako noon din, mag-isa na lang si Nanay? Exaggerated na kung exaggerated pero kung ikaw ang nasa tayo ko noong oras na iyon, malamang tinarayan mo rin s'ya. Paano ko lulusutan 'to ngayon? Baka pabalikin na n'ya ako sa ER at hindi na ituloy ang pag-uusapan namin. Worse, I think I am going to be fired. And I need this job to sustain our needs. Pinagretiro ko na si Mommy isang taon pagkatapos kong makagraduate. Ang maliit na bahay na tinitirhan namin ay bahay ng mga magulang n'ya at ipinamana sa kanya noong pumanaw na ang mga ito.  "Are you okay?" tanong nito. I have to apologize, don't I? Oh, this is going to suck.  Humigit ako ng isang malalim na hinga. I can do it. "I want to say --" "Don't bother. It's understandable," napanganga ako sa sinabi n'ya.  "W-what?" "I said it's okay. You were going to apologize for earlier. While we were talking, I realized you were told Mr. Valencia is here to see you. However, hindi nila sinabi kung sino sa amin ni Dad," sabi nito.  "Still, I'm sorry. What I did was uncalled for." Bahagya itong napatawa. "So I guess that make us even?" Ang tinutukoy n'ya ay ang una naming pagkikita. "We are not even yet." "Why is that?" "Hindi ka pa nagbibigay ng sorry mo," sabi ko sa kanya.  Napawi ang ngiti nito sa labi. Oh s**t. Okay, hindi ko na kailangang magtype ng resignation letter. They will definitely walk me out of this hospital by the end of today. Emerald naman! Umayos ka nga. Kapag nawalan ka ng trabaho dito ay malamang wala ng tumanggap sa iyong ibang hospital. Sumandal ito sa upuan at tumitig sa akin. Ang titig n'ya ay 'yong nagpapahiwatig ng samu't saring emosyon na hindi ko lahat matukoy. Ang alam ko lang malapit na akong masisante. Bigla pang kumulo ang t'yan ko at hindi ko naiwasang ngumiwi.  "You're hungry. Magpapaorder na ako ng pagkain. It shouldn't take long," sabi nito. "Okay lang, makakatiis pa. Hindi mo na ako kailangang pakainin. Pero kung anuman ang pag-uusapan natin, pwede bang simulan na natin o kaya kung sisisantehin mo na ako -- sabihin mo na. Pinapatay mo ako sa suspense," sabi ko sa kanya ng dirediretso. My God! Nakakapanglumo ang araw na ito.  "The lunch is my way of saying sorry for what happened the first time we've met," simpleng sabi nito. So ayaw n'ya talaga ng salitang sorry kaya idadaan na lang sa libreng pagkain?  "I'd rather hear you say sorry," sabi ko sa kanya. Mafa-fire out na rin lang naman ako, at least makuha ko naman sa kanya ang ayaw n'yang ibigay. Limang letra na nga lang, hirap pa s'yang sambitin? "You're right. I'm sorry. Can we start over? I'm Juan Manuel Valencia," inilahad nito ang palad. Tatanggapin ko ba? Sa huli ay inabot ko rin ang kamay n'ya. "Emerald Elcano." "Good, let me call downstairs so we can eat. Nagugutom na rin ako. Do you have any allergies?" umiling ako. "Okay."  Tumayo ito at tinawagan ang kitchen. Wala pang sampung minuto ay dumating na ang dalawang kitchen staff at halos mag-hugis puso ang mga mata ng dalawang babae na nagserve ng pagkain namin. I couldn't help myself but to roll my eyes. Sus, nag-swoon ka rin naman sa kanya kanina. Hindi nga lang yata nag-hugis puso ang mga mata mo -- may star star na rin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD