* * * Bumalik na sila sa unit ni Axel. Dahil may kalayuan ang host club at ang condominium building ay hindi kayang lubusin ni Kristoff ang pag-teleport niya. Hanggang labas lang ng building ang tatlo. Pagdating na pagdating nila ay halos tumakbo na si Miller patungo ng elevator sa pagmamadali niya. Napatayo rin ang babae sa front desk pero hindi na niya ito sinita nang makita kung sino ang nasa mga braso ni Miller at si Kristoff. “Get my wallet,” utos niya kay Kristoff habang bahagyang inaangat ang kanyang bulsa sa likod. Doon kasi inilagay ni Miller ang keycard ng unit. Naintindihan naman kaagad ni Kristoff ang ibig sabihin ni Miller at hinanap ang keycard sa wallet nito. Nang makita niya ay agad na niyang binuksan ang pinto, humarurot din naman sa loob si Miller at nagmamadaling binu

