* * * Woosh! Akalaing may bumulusok na kometa sa gilid ng mukha ni Logan. Kasunod nito ay ang nakabibingi na sigaw ng nagpupuyos sa galit na si Aaron. “YOU! PATHETIC PIECE OF SH*T! AAH!” Hindi pa siya nakontento at dinampot naman ang isa pang maliit na paso na nakapatong sa lamesa na nasa gilid ng silid. Ito na ang pangalawang pang-disenyo na paso na tinapon ni Aaron kay Logan. Woosh! Hinagis niya ulit ito kay Logan. Ngayon ay sa kaliwa naman na pisngi ng dayuhan bumulusok ang paso. Mamula-mula na ang mata at pisngi ni Aaron sa galit. May mga namumuong ugat na rin sa gilid ng kanyang ulo. At mistulang ambon na ang laway niyang tumatalsik sa bawat pagsigaw niya. “How come you were not able to stop them. YOU HAVE THE NUMBER! BUT YOU ARE TOO DUMB ENOUGH TO NOT ABLE TO STRATEGIZE!” Sa

