* * * “Masyado kang mabagal,” puna ni Leo kay Miller, sabay talon sa ibabaw saka lumipat sa likuran nito. Alerto naman si Miller at mabilis niyang hinarap si Leo at sinangga ang espadang sandata na gamit ni Leo. Parang ilang segundo lang ay kaka-teleport lang ni Leo sa kabilang bahagi ni Miller. Tapos ngayon ay nasa likod na nga si Leo at walang habas siyang inatake. Pareho silang espada ang hawak ng mga kamay. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mas malakas ang sandata ni Leo kay Miller. Bago pa man nagsimula ang sparring nila ay nakasisiguro si Miller na parehong ordinaryong espada lang ang gamit nilang dalawa. “What makes him stronger?” tanong niya sa sarili. Sa makailang ulit na nilang pagtutunggali ay sanay na si Miller sa mabilis na kilos ni Leo at sa panaka-naka nitong pag

