* * * “That guy stabbed the Supreme with my dagger, and the fragment of his blood was left on the blade. You know, the dried blood, making it the perfect recipe for my material,” pagkukwento ni Paolo sa magandang bagay na nagawa ni Bernard bago siya namatay. Isang sakripisyo kung ito ay kanyang tawagin. “It was just that? But isn't it too impossible to happen?” Pilit na binigyan ni Logan ng atensyon ang sinabi ni Paolo. “The Supreme getting stabbed? Are they kidding me?” Dahil bago pa lang siya rito ay hindi niya alam ang buong kwento ng naganap na pagkidnap ni Aaron sa anak-anakan niyang si Axel. Wala rin siyang alam sa parte kung bakit at paano napuruhan ng isang ordinaryong bampira ang pinakamalakas na personahe ng kanilang lahi. “Uh, I didn't say that the Supreme got defeated.

