* * * Mabilis na napasok ng grupo ni Mateo ang warehouse. Hindi man sila makapag-teleport dahil unang beses pa lang nila sa lugar na ito, ay hindi naman ito naging hadlang sanhi ng mga maliit na bantay sa warehouse. Inaasahan ni Mateo na nasa higit sampung bantay ang nandito. Pero nagulat sila na tatlo lang ang nandito ngayon. Sinuwerte pa sila na wala sa kulungan ang atensyon ng mga ito. Tila ba abala sila sa paglilinis. May hawak na walis at panlinis na trapo ang isa, nasa kusina naman ang isapa. Habang ang natitira ay nakatayo sa harap ng gate para magbantay kahit na wala rin naman itong silbi dahil madali lang akyatin para sa mga bampira ang matayog na pader sa likod. Hindi rin nagtagal ay nahanap nila ang kulungan. ‘Di rin naman ito ang kauna-unahang raid ni Mateo kaya pamilyar na

