* * * Walang gana na kinaladkad ni Aaron ang kanyang sarili papunta sa mansyon ng bampirang papalit sa naiwan na trabaho ni Bernard, si Logan. Sa katunayan ay si Logan talaga ang unang pinili ni Ronaldo na mailuklok sa posisyon ni Bernard. Pero dahil kontra si Aaron sa mga mahalay at Inglesero na kasama ay hindi siya pumayag. Batid pa nga niya noon na kung ikukumpara si Bernard at si Logan, higit na mapusok si Logan kaysa kay Bernard. Tumira rin ito sa iba’t ibang bansa kaya inaasahan na hindi ito magaling managalog o kaya ay hindi ito marunong. Si Aaron at Bernard ang nakaatasa na mag-asikaso sa mga vampire affairs sa bansa, habang ang natirang dalawa naman ay sa labas ng bansa naka-toka. “Hindi pa rin ba siya sumasagot?” tanong ni Aaron sa kasama niyang bampira na inutusan niya labin

