* * * Sumapit na ang gabi sa tahanan ni Paolo. Balot ng pheromones ang loob ng Play Room habang abala naman sa kanya-kanyang gawain ang iba. Bagong pares ng mga bantay ang nakatayo sa labas ng silid habang nasa loob si Paolo ng kanyang laboratoryo. Nililibang niya ang kanyang sarili sa pag-eeksperimento kung paano baguhin ang kakayahan ng isang vampirized. Ang kakayahan ng bampira ang siyang nagdidikta kung saang kategorya sila nabibilang. Tanging palatandaan lamang ng kinabibilangan nilang kategorya ang mga prutas na nalalasahan nila, at ang kakayahan talaga ang tunay na basehan nito. May mga alpha na kahit malakas ay pinipiling hindi sumabak sa labanan. Ganoon din ang mga beta na kahit kulang sa lakas ay gamit-gamit naman nila ang kanilang talino para makipaglaban. May mga gamma rin na

