M I L L E R Hindi ako makapaniwala na mapapakinabangan ko ang pagiging eksperto ko sa pasikot-sikot ng red light district. At least I can teleport in short distances sa tuwing pakiramdam ko ay nalalapit na sila sa akin. Pero hindi naman unlimited ang energy ko, kaya nagsisimula na akong makaramdam ng pagod. Kasalanan ito ng lalaki na nagtawag ng mga kasama nila. “... DAKPIN NIYO SIYA!” sigaw ng lalaki sa mga kasamang nabulabog sa lakas ng boses niya. Na-alerto naman ang lahat at sabay-sabay na tumakbo, naglakad, at lumundag patungo sa akin. I was really in a near death situation. Buti na lang at naka-teleport ako sa tamang oras. Tumungo ako sa labas ng Golden Palace. Saktong-sakto na nasa tapat lang ako ng magara nitong entrada. I don't want to spend too much energy on long distance t

