Magkaharap harap kaming tatlo sa coffee table. Nakahalukipkip ako at iniiwasang tapunan sila ng kahit isang sulyap. Mugto na ang aking mata. Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kong bakit nilayo nila ako kay Ian. What is the mistake we made this time? May sagabal pa ba? May problema pa ba? May tumututol pa ba? What the hell is wrong again! Tumikhim si Dad at ginagap ang aking palad. Pasimple kong binawi ang palad ko at binaba sa aking kandungan. Yumuko ako at ayokong makita ang ekspresyong masasalarawan sa kanyang mukha. I hate him for punching Ian! "Elena." pasimula niya. "Don't get mad." Nag-angat ako ng tingin at tinignan siya nang may hinanakit. "What do you want me to feel Dad? Should I be glad? Be happy? Magsasaya ba ako dahil pinaghiwalay nyo ka

