Chapter 67 Hidden Flower NAPANGITI si Juvia nang makita niyang nag-ko-coach si Karl okay Jenny sa kasalukuyan. It has been a few days since she started working here as an intern but she’s paid every day. Napansin ni Juvia na may kaalaman nga siya sa engineering but it needs polishing. Hindi siya mahirap pakisamahan ngunit medyo mahiyain nga lang siya. Malambing ang boses na hawig sa isang boses ng natural na hapon. Dahil medyo maputi siya at singkit ay pinaghinalaan din siyang hapon. Hindi kasi masyadong nahahalata ang kanyang kasingkitan dahil sa kanyang salamin. “Hahaha—” naudlot ang kanilang tawanan nang biglang matabig ni Karlo ang kanyang baso na akala nila ay mahuhulog na sa sahig ngunit nagawang sapuin ito ni Jenny na ikinagulat naman nila.

