XVII

1685 Words
Chapter 17 Sorrows NAKAKAPAGTAKA ang katahimikan sa store ngayong gabi para kay Juvia. She spent at least three hours sitting with only few customers. Kadalasan sa mga oras na ito ay marami pa ring nagpupunta o kaya ay tumatambay. It’s a blessing in disguise for her because she’s totally exhausted today and she somehow gets to relax a bit. Pero imbes naman na maka-relax siya ay kanina pa siya palakad-lakad na para bang hindi mapakali. Patingin-tingin pa siya sa entrance kung mayroon bang customer pero wala naman. Makalipas ng ilang minuto pang pagtunganga ay biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Nagtaka naman siya nang makita niyang si Tope ang tumatawag. “Hello, Tope?” “Juvia! May sunog sa barangay natin! Pauwi palang kami! Umuwi ka na rin bilis!” Wala nang ibang naisip si Juvia na iba kundi ang tumakbo palabas ng convenience store. Tinawag pa siya ng guard na iniwanan niya pero hindi na siya nakinig at tumakbo siya ng pagkabilis. “Nay..Tay…NatNat, Tintin…” tanging bukambibig niya habang tumatakbo. Pumara kaagad siya ng taxi nang may nakita siya dahil iyon na lamang ang pinakamabilis na paraan upang siya’y makauwi. Hindi pa rin siya mapakali at muling tinawagan si Tope pero hindi na ito makasagot marahil nineneybyos na itong pauwi katulad niya. Halos kalahating oras pa ang itinagal niya sa daan. Nang makarating siya sa may bungad ng arko ng kanilang bahay ay tanaw na agad niya ang napakalaking sunog kaya naman bumaba na siya’t hindi na rin naisip kung magkano ang naibigay sa driver. Tumakbo siya at kahit naiwan na isa niyang sapatos ay hindi na niya ininda. “N-Nay! Tay!” sumugod siya sa kumpulan ng mga taong umiiyak at nanlulumong makita ang kanilang bahay na tinutupok ng sunog. Tumingin siya sa mga tao at hinanap ang kanyang mga magulang ngunit hindi niya nakita. Tumakbo siya padiretso sa sunog pero bago pa man siya makalapit ay may bumagsak na mga kahoy na tinupok na rin ng sunog. “Juvia!” sigaw ng kanilang kapit-bahay at maagap siyang nilapitan upang pigilan pero nagpumiglas siya dahil malakas ang kutob niyang hindi…na nakalabas ang mga magulang niya. “Nanay! Tatay!” tila nagwala siya dahil nagbabaga pa rin ang sunog kahit ano’ng gawin ng mga bombero. Napadapa siya sa lupa at nais pang gumapang kahit parang nanlalamig na ang buong katawan niya’t nanghihina na. “Juvia!” paglingon niya’y nakita niya si Tope na buhat si Natnat na umiiyak at si Jeni na buhat din si Tintin. “H-Hindi nakalabas agad sina Nanay Linda at Tatay Rolando…” parang nag-alinlangang sabi ni Tope. “Nang matagpuan sila ng Rescue Team ay wala na silang buhay…” napatingin si Juvia sa kanyang kanan kung saan niya nakita ang mga pinaghihinalaan niyang katawan ng taong nabalot sa putting kumot. Tumayo siya kahit hirap at nilapitan ang mga iyon. Mayroong limang bangkay doon at tila napanglumbaba siya nang makita niyang magkatabi ang katawan ng kanyang mga magulang na wala nang buhay. Nasunog ang ilang parte ng katawan ng kanyang nanay at mukhang hindi naman napano ang kanyang tatay ngunit hinala niya ay namatay ito dahil sa usok at tuluyang bumigay ang baga nito. Mukhang prinotektahan ng kanyang nanay ang kanyang tatay at sinubukan pa ring tumakas pero masyado na silang natupok ng sunog at walang dumating na tulong kaagad. Hinawakan niya ang dalawang kamay nila’t umiyak nang pagkalakas-lakas. Lahat ng hirap niya, kinaya niya. She didn’t mind thinking herself less, she didn’t mind giving up everything just to save her family and now…her parents are gone—the very reason of her life are now gone. “Juvia…sina Natnat…” hinawakan naman ni Tope ang balikat ni Juvia upang mapalingon ito. Ibinuka ni Juvia ang kanyang mga kamay at napatakbo ang dalawang bata niyang kapatid at yumakap sa kanya habang umiiyak pa rin. Lalong nadurog ang puso niya dahil kung ano mang gulat ang naramdaman niya ay mas doble sa nakababata niyang kapatid na hindi pa dilat sa katotohanan ng mundo. Hindi rin mapigilan nina Tope at Jeni, maski ang iba nilang kapit-bahay ang mapaluha habang nakatingin sa tatlong magkakapatid na umiiyak sa harapan ng bangkay ng kanilang mga magulang. *** PANAY ang pag-iling ni Jun habang nakatayo at nagmamasid sa mga trabahador dahil kanina pa siya napapaisip na ipinaalam ni Juvia sa kanya kanina. Nagsabi kasi itong hindi na muna makakapasok dahil abala siya sa pag-aasikaso sa mga labi ng kanyang mga magulang. May katagalan na rin si Juvia sa kanilang trabaho at hindi ipagkakaila ni Jun na saksi siya sa pagsusumikap nito, naging dahilan upang tanggapin niya ang isang babaeng katulad ni Juvia na magtrabaho rito. Hindi rin niya itatangging napalapit na siya sa dalaga at nakikiramay siya sa nangyari sa kanilang pamilya. “Grabe, ang lala naman ng sunog na iyon kagabi. Pero hindi gaano’ng naipabalita,” ang sabi naman ni Macario habang siya’y nag-we-welding ng mga bakal. “Sinabi mo pa, ilang pamilya rin ang nawalan ng tahanan,” ang sabi naman ni Dindo, ang kasama niyang kasalukuyang nagbabali ng bakal. “Kawawa naman si Juvia, Mag-isa na lang siyang bubuhayin ang mga kapatid niya,” saad naman ni Macario. “Kung bakit sila pa ang nagrabyado sa sunog,” napailing pa rin si Jun at may bigat pa rin itong nararamdaman. “Good Morning Philippines!” Napatakip sila sa tenga nang umalingawngaw ang megaphone na hawak ni Pain habang palapit ang bike na minamaneho ng security guard habang naka-angkas si Pain sa likod. “Let’s work very hard today because the sun is so hot!” Kanina pa sila naririndi sa boses ni Pain sa megaphone dahil paikot-ikot siya sa buong sign. Kung ano-ano nalang din kasi ang napagdidiskitahan nito. “Walang makulit si Sir Pain ‘no?” aniya ni Macario habang naaktitig kay Pain na nakaangkas sa bisikleta. Nang makarating ang bisikleta sa tapat nila Jun ay doon bumaba si Pain. “Do you know where Juvia is!?” Narindi sila lalo nang luamapit si Pain at nagsalita mismo sa megaphone. “Hindi po siya pumasok. Namatay po kasi ang mga magulang niya kaya inaasikaso po niya iyon…” si Jun naman na ang sumagot. Ilang segundong natahimik si Pain at nang makalapit ang guard sa kanya ay binigay niya ang megaphone sa kanya. “What funeral?” he asked. “Ang alam ko ay nasa morgue pa rin ang mga magulang niya dahil wala pa silang pagdadalhan ng mga labi. Nasunog ang bahay nila at wala silang kamag-anak.” *** “WE will release help in the form of money to the residents. We’ve controlled the media’s interest with the incident. We also cleared rumors that it was intentional. Hindi rin naman pag-iisipan ng publiko na tayo ang nagsadya ng sunog…” matapos huminto ni Rage magsalita ay napansin ni Aldrin ang sunod-sunod na malalim nitong paghinga. “It was really an unfortunate event to the people residing there but we can also take advantage of this to put up a name and convince them to move away…” dagdag pa ni Rage. Rage called up a immediate meeting with some of the board members this morning to discuss the issued that rapidly circulated online. Dahil sakop ng proyekto ng Fiore ang ilang lugar na nasunog kagabi ay hindi pa rin maiiwasang mag-isip ng iilan na sinadya ang sunog na naganap. Pero dahil sa kakayahan ng Fiore ay kaya nilang puksain ito bago pa man mag-umaga. “I agree…” aniya ni Mario sa mungkahi ni Rage. “We can turn this thing for the better…” “Ibig sabihin ba nito, tuloy na tuloy na ang project?” napapangiting tanong ni Caren—isnag board member na pagdating sa usapan ng pera ay lagi siyang nangunguna. “Yes. We’re starting very soon…” then Rage proudly faced all of them. “We will soar higher this time…” Nagsipalakpakan silang lahat sa ideya na lalo pang uunlad ang Fiore sa pamamagitan ng project nila ng Prieto. All of their monetary desires are about to be achieved, *** NAPATAYO si Tope at Jeni nang makita nila si Juvia na patakbo na palapit dito. Kanina lang kasi ay dumating ang dalawa upang sabihan si Juvia na kukunin muna nila ang mga bata sa kanilang bahay para magpalipas ng gabi dahil dito na sila sa hospital natulog kagabi. Tumakbo lang sa labas si Juvia upang bumili ng gamot ni Tintin dahil sinumpong ito ng hika kagabi, dala ng lamig dito sa hospital dahil hindi naman ito sanay sa aircon. “Paggising niya, ipainom mo ito kaagad ha?” bilin ni Juvia kay Jeni nang iniabot nito ang supot sa kanya dahil tulog na ang dalawang bata at buhat-buhat na nila ito. Naluluha pa rin si Juvia kahit normal na nakikipag-usap lang siya dahilan upang maluha rin minsan sina Tope dahil sa awing nararamdaman sa kanya. Ang damit nga ni Juvia ay kahapon pa at hindi pa ito nakakaligo o nakakapagpalit dahil unang-una ay natupok naman na ng sunog ang lama ng kanilang mga gamit at wala nang nasalba. “Sige, bukas puwede ka rin muna tumuloy sa amin. Iyon lang, hindi pa gaano malinis dahil nadamay din kaunti ang bahay naming…” aniya ni Tope. “Sige, salamat. Mag-iisip pa ako kung saan ako mangungutang ng pera na ipambabayad ko sa punerarya. Iniisip ko kung papasok nalang muna ako bukas…” “Sasabihan ka rin naming kapag natapos na kaming manghingi ng abuloy. Kaso, pare-parehas tayong nasunugan ay panigurado, gipit din ang iba,” ang sabi naman ni Jeni. “Okay lang. Susubukan ko pa rin manghiram sa mga kakilala ko.” Nang makaalis sina Tope ay napaupo nalang si Juvia at tumulala ulit. Bumili siya ng biscuit kanina dahil iyon nalang ang naisip niyang kakainin ngayong gabi pero hindi pa rin siya dinadalaw ng gutom simula kanina pang umaga. “I know you’re suffering but I’d prefer to make it worst tonight,” nanumbalik ang isipan ni Juvia sa kasalukuyan dahil siya’y nalunod sa pag-iisip nang marinig niya ang boses na iyon. “Nagluluksa ang pamilya ko, huwag mo muna akong kausapin,” mariing napapikit si Juvia. “Yeah,” he said shrug his shoulders. “Pakiusap, umalis ka muna, Pain…” napabaling si Juvia sa kanya at namataan niyang nakatitig ito sa kanya. “My family is the reason your parents are dead…” he said without hesitation. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD