Chapter 61 Deciding Battle “STAY away, Juvia…” maagap na piniglan ni Pain si Juvia nang tinangka siya nitong lapitan matapos nilang makapasok sa isnag bakanteng warehouse at mukhang abandonado na rin. Marahang hinubad ni Pain ang kanyang leather jacket at hinagis kung saan. Samantala ay hindi naman patitinag ang nanlilisik kung tumingin na si Stanley habang tinataas ang sleeves ng polo nito. “If you hold back then you die,” pagbabanta ni Pain sa kanya. “You know I won’t…” saad naman nito. “…Lea was her name, right?” bigla na lang napahinto si Stanley nang gano’n-gano’n na lang matapos bigkasin ni Pain ang pangalang iyon. Even by saying the name once, it was powerful enough to bring fort the pain from the p

