Chapter 25

567 Words
Chapter 25 Trisha's PoV Napakabait ni Ma'am Alcoba. Siya talaga ang definition ng ‘pangalawang magulang'. Hindi lang natatapos ang pagiging guro niya sa classroom kundi pati hanggang labas ng silid-paaralan. Kahit sa huling araw ko sa high school, siya ang nasa tabi ko, sinuportahan ako. Tumayong magulang ko. Ngayon tapos na ako sa high school, naroon pa rin siya. Inaalala pa rin ang kinabukasan ko. Isa siyang natatanging guro. Parang gusto ko rin maging teacher dahil sa kanya. Pero hindi naman na ako umaasa na makakapag kolehiyo pa. Kaya isang pangarap na lang ang maging teacher. “Gusto mo, sa akin ka na lang mangamuhan?” Hindi ako makapaniwala sa tanong niya sa akin pagkatapos naming kumain. Napansin niya yata na hindi ako makapaniwala kaya ngumiti siya. “Gusto mo?” “Seryoso po ba, Ma'am?” “Oo naman. Hindi kita aalukin kung nagbibiro lang ako.” Unti unti nang lumalawak ang ngiti ko at alam kong kumikinang na ang aking mga mata. Nae-excite ako. Isang pangarap lang ito na pwedeng matupad. “Pero paano po ang asawa niyo? Ang anak po ninyo? Yung tita ko po–” “Ah it's ok. Matagal na akong byuda. Ang anak ko naman ay malaki na, nasa Canada. May sarili nang pamilya. Bihira na lang ako uwian. Once in a year na lang. Every Christmas season.” “Hindi ko po alam na biyuda na po pala kayo at may anak sa Canada at mag-isa na lang dito sa Pilipinas.” “Ah yes. I'm a very private person. Hindi ko pinapaalam sa lahat ang istorya ng buhay ko.” Tumango lang ako. “Pero Ma'am, bakit po hindi na lang kayo sumunod sa anak niyo sa Canada? para makasama na kayo at hindi na malungkot dito?” “Hindi ko kasi kaya ang lamig sa Canada. Isa pa, Canadian kasi ang asawa niya, wala silang anak. Ayaw no'n ng may ibang kasama. At saka hindi naman ako malungkot dito. Masaya naman ako sa pagtuturo.” Ngumiti na lang ako dahil mabuti naman kung ganun. At least hindi siya malungkot. “Iyon nga lang, alam mo na, tumatanda na, nagkaka-edad at rumurupok na ang buto. Nahihirapan na rin ako sa mga gawaing bahay. Kailangan ko na ng katulong.” Ngumiti ulit ako. “Mabuti naman po, Ma'am.” “So, ano na nga? Gusto mo ba sa akin ka na lang mag apply bilang helper ko,” tanong niya. “Paano po ang tiyahin ko? Sa kanya po ako binigay ng DSWD.” “Don't worry, kakausapin ko. At kung hindi siya papayag, irereklamo ko siya sa social worker.” Hindi mawala ang ngiti ko kanina pa. Pakiramdam ko kasi ay ang galing galing talaga ni Ma'am Alcoba. Para siyang angel na pinadala ng langit para sa akin. At lahat ay kaya niyang ayusin. “Hindi ba pabor naman sa tita mo 'yon? Hindi ka niya kayang paaralin, edi ako na lang. Tapos wala pa siyang iisipin na papakainin.” “Opo, Ma'am.” “But if you will be under my care. . .” Sa buong pag uusap namin, ngayon lang siya nag senyoso ng ganito. Napalunok ako, ano kaya ang seryoso niyang sasabihin. “Gusto ko focused ka lang sa pag aaral. Kalimutan mo na si Raven.” = = = = = = = = = ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD