Chapter 44 Raven’s PoV Hindi ko maipaliwanag, pero parang may koneksyon ako sa batang ito. Ang kanyang mga mata, ang hugis ng mukha, pati na ang paraan ng kanyang pagtitigo, lahat ay pamilyar. Parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. May malakas na kutob akong hindi ko maipaliwanag. Pagdating namin ni Trisha sa bahay ni Ate Letlet para sa pormal na pamamanhikan, hindi ko inaasahan ang eksenang sasalubong sa akin. Habang nasa kusina sila Ate Letlet at Trish, napansin ko ang isang batang lalaki na tila nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. May kung anong kakaiba sa kanya na agad kong napansin. “Ma! Ma! nandiyan na ba si Tita?” sigaw ng bata at natigilan din ito nang magtama ang aming tingin. “Troy? Troy? Bakit ka bumaba? Akyat ka muna at may bisita,” sigaw ni Ate Let.

