Chapter 30 Trisha’s PoV Marami akong nalaman tungkol Kay Zebbie. Sobrang dami dahil hindi lang naman isang linggo o ilang buwan ang pagiging virtual friend namin. At sa sobrang dami kong natuklasan tungkol sa mga tinatago niyang lihim ay lalo akong naging determinado na sirain sila ni Raven. Trixie, ang binigay kong pangalan kay Zebbie. Baka kasi sabihin niya kay Raven kung anong pangalan ng textmate niya at makilala ako bilang si Trish at masisira ang plano ko. Second year college pa lang ay nagsimula na ako sa paglano ng paghihiganti. Ang plano ko ay pag hiwalayin sila. Ganun lang. At kapag nag hiwalay na sila ay titigil na ako at lalayuan si Zebbie. Pero habang tumatagal ay getting stronger ang kanilang relasyon. May mga panahon na akala ko ay mag hihiwalay na sila pero nagkamali ak

