Chapter 33 Trisha’s PoV “Alam mo ba ang pakiramdam na in-offer mo na ang lahat lahat pero hindi ka pa rin pinili?” Tahimik lang akong nakikinig kay Amira habang naglalabas siya ng hinaing. Awkward man na sa powder room namin pinag-uusapan ang ganitong mga bagay. “Si Raven po ba ang tinutukoy niyo?” tanong ko. Napangiti siya ng bahagya. “Who else? Sino ba ang pinag uusapan natin?” sagot niya. Naglagay siya ng lipstick sa kanyang labi na kakulay ng kanyang buhok, burgundy red. Alam ko po ang pakiramdam, madam. Kung alam mo lang. Ginive-up ko ang maganda kong kinabukasan para sa taong sinasabi niyo. Napatingin na lang ako sa kanya at nakinig sa mga ikukwento niya pa tungkol kay Raven. Masasabi kong mabuting tao talaga si Raven dahil may isa pang tao na handang ibigay ang lahat just

