Chapter 51 Trisha’s PoV Tahimik akong nakatayo sa gilid ng silid ng ospital kung saan ligtas na si Ate Letlet sa tiyak na kapahamakan. Habang pinapanood ko sina Ate Letlet at Raven, tahimik akong umiiyak. Para akong napapagitnaan ng dalwang nag uumpugang bato. Nakahiga si Ate sa kama, bagamat stable nia siya pero maputla pa rin, at puno ng pasakit, hindi dahil sa kanyang sakit kundi dahil sa tindi ng kanyang emosyon. Ramdam ko ang bigat ng sitwasyon. Ang bawat salitang binibitawan ni Ate Letlet ay may kasamang kirot at pagmamaka-awa. "Akin lang si Troy..." mahina niyang sambit, halos pabulong. Nanlalambot na ang boses niya pero matigas pa rin ang paninindigan. Lumapit pa lalo si Raven, muling hinawakan ang kamay ni Ate nang buong banayad. "Ate Letlet... hindi ko siya ilalayo. Hindi ko

