Chapter 36 Trisha’s PoV FLASHBACK . . . Graduating na kami noon nang napag desisyunan kong dumalo sa graduation ceremony nila Zebbie. Hindi baleng makita ko si Raven. Matagal tagal na rin naman akong nag tago sa kanila. Panahon na rin para magkita kita kami. Mauuna ang graduation nila Zebbie at Raven, then after three days naman ang graduation ko kaya makakapag prepare pa ako. Eksakto dahil kinabukasan ay flight ni Ate Lenlen galing Canada. Dito na siya for good dahil divorced na sila ng asawa niyang Canadian at sadly, wala silang anak. Nagpa alam ako kay Mama Len kung pwede akong gabihin ng uwi dahil aattend pa ako ng graduation ball ng kaibigan ko. “Sa LSU?” agad na tanong niya na nakataas ang kilay. Alam kasi niyang doon nag aaral si Raven. “Uuwi rin po ako ng maaga, Mama Len,

