Bree Xena Lagdameo-Zamora's P.O.V. Hindi ko naman siya pwedeng pabayaan na makatulog sa may island. Bukod sa sasakit ang katawan niya ay may possibilities din na baka mahulog siya at magkaroon pa ng serious injury. "Brianedon," dinutdot ko ng mahina ang kanyang braso. Still no response kaya naman sumubok muli ako. "Baby..." I sweetly called him. Hindi pa rin talaga siya sumasagot. Wala na akong nagawa kaya naman sa abot ng makakaya ko ay inalalayan ko siyang makababa sa upuan kahit na tulog na tulog na siya. Pawis na pawis ako ng mailipat ko na siya sa may sofa. Inihiga ko siya ng maayos doon at napapunas sa aking noo. "Ang bigat mo pala," mahinang utas ko habang inaayos ang nagusot niyang white sando. Sumsilip kasi ang abs niya. Mabigat siya kumpara sa akin kaya naman talagang medyo

