Bree Xena Lagdameo-Zamora's P.O.V. Hindi ako umalis sa tabi ni Daddy at hinintay siyang magising. Nakatulog na ako sa kakahintay sa kanya. Naramdaman ko ang pagbuhat at paglipat sa akin. Binuksan ko ng kaunti ang mga mata ko at nakitang nasa may sofa na ako. Ngumiti siya sa akin. "Sleep, Wife. Ako na ang magbabantay," untag niya at hinalikan ako sa noo. Hindi ko na nagawang makasagot pa sa kanya dahil sa antok. Ipinikit ko na ang mga mata ko at pinasok na nga ang dream land. Again, may napanaginipan na naman ako. Taliwas sa kinatatakutan kong panaginip. "Mommy," nangingiti kong saad. She's here. I can see and feel her. "Xena ko," naiiyak niyang saad at mabilis na tumakbo papunta sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit. Napalayo siya ng kaunti at tumingin sa aking tiyan. "You are pr

