Bree Xena Lagdameo’s P.O.V.
Hinalikan niya nga ako. Mabagal at ramdam ko na para bang binubuos niya ang kanyang emosyon sa bawat halik niya. I don't want to assume things lalo na at kakakilala lang namin. Ni hindi pa nga kami nagsama ng matagal.
Hinabol ko pa ang kanyang labi ng tumigil siya. He chuckled and shookt his head to me.
"Mag uusap tayo ngayon sa magaganap na kasal," paalala niya. "Baka kung saan pa mapunta kapag hinalikan pa kita," he said and shrugged his shoulders off.
Naglakad na siya papalayo sa akin at bumalik na kung saan siya naka upo kanina.
Sumunod na ako at umupo na sa may harapan ng kanyang la mesa.
"Now let's start," pinagsiklop niya ang dalawa niyang kamay at ipinatong iyon sa may la mesa. Pagkatapos ay tumitig siya sa akin.
"Can I ask?"
He nod his head. "Sure."
"Gets ko naman kung bakit gusto niyong bilhin ang restaurant. In line naman siya sa business niyo, which is gumagawa ng mga products para sa kitchen," I started. Tumatango lang siya at nakikinig ng mabuti. "Ang hindi ko makuha is bakit kailangang pakasalan mo ako?" I asked.
Napataas siya ng isang kilay.
"I am not saying this to offend you. Curious lang talaga. For sure naman wala kang feelings sa akin," tumawa pa ako. "Isa pa I am just an average girl kaya sure ball ng hindi ka ma-fafall sa akin," tuloy ko.
Sumandal siya sa upuan niya at ngumisi sa akin. "Ang daldal mo pala talaga," then he chuckled.
Namula ang pisngi ko dahil doon. "Hindi ah. I am just asking things. Gusto ko lang ng malinaw," pagtatanggol ko sa aking sarili.
"Really?" he mockingly said.
Tumango ako ng ilang beses.
"To answer your question, I want to marry you and that's all," sagot niya na nakapaglaglag panga sa akin.
"Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"And to clarify things. You are not just an average woman, Bree Xena," he seriously said. His gaze can melt me right away.
Napalunok ako at napaiwas ng tingin. "I am. Hula ko ay mas marami ka ng nakilalang mas maganda at sexy sa akin."
I heard him sighed. "Do I smell jealousy?" asar niya.
Humarap na ako sa kanya at tumawa ng peke. "Hindi ah. Bakit naman ako magseselos?"
"I am not saying that you are jealous," natatawang sambit niya.
"Ah? Oo nga 'no," napakamot ako sa batok ko dahil doon.
"Or are you really jealous?"
"What? No!" sigaw ko habang nanlalaki ang mga mata ko.
"If you say so. Kahit naman salungat ang facial reaction mo."
Argh! Talaga bang mapang asar ang lalaking ito? Naka ilan na siya sa akin ah. Kapag ako nainis hahalikan ko ulit siya. Charot. Bata pa ako hindi pa ako pwede sa ganyang bagay.
Neknek mo, Xena. Kiniss mo na nga siya kanina eh. Isa pa ang tanda mo na. Pwedeng pwede ka ng mag asawa. Ayan nga oh, isang fine dine meal ang na sa harapan mo. Take note, siya pa ang mapapangasawa mo. Oh 'diba. Ang bongga mo.
Malamang sa malamang kapag nalaman ng tatlo mong kaibigan na ikakasal ka ay magugulantang sila.
"Sa ngayon, simple muna ang magiging kasal natin," simula niya.
"Can I invite my friends?" tanong ko.
"Can you let me finish what I am saying," ngumiti siya sa akin.
"Okay," saad ko at napanguso. Minsan talaga ay madaldal ang bunganga ko at hindi makapagpigil mag salita.
"As what I am saying, It will be a simple wedding. It will be an outdoor wedding. And yes you can invite your friends," tinignan niya ako at para bang pinag aaralan ang aking mukha. "Where do you want? Garden? Beside the pool or what?" he asked.
"Garden," I answered with a smile. I really want to have my wedding on garden. "Kung hindi sana mamarapatin ay gusto ko maraming butterfly sa kasal natin," I suggested. Minsan lang naman ako ikasal. Kaya naman susulitin ko na.
He amusedly looks at me. "As you wish," he answered.
"Alam mo. Hindi ko alam kung mabait ka ba o hindi. Pero dahil pinagbibigyan mo ako sa mga gusto ko ay mabait ka. Sa ngayon lang. Hindi pa kita nakikilala ng lubusan eh," diretsong saad ko. Wala talaga akong preno minsan.
Napapiling siya at napatawa. "Madaldal ka nga," natatawang saad niya. "I am wondering kung madaldal ka rin ba sa..." hindi na niya tinuloy ang kanyang sinasabi.
"Saan?" tanong ko.
"Never mind," itinukod niya ang siko niya sa la mesa at sumalukbaba. Tinitigitigan ako.
"Ikaw? Hindi mo ba iinvite ang friends mo?" tanong ko na naman.
"Of course I will."
Natapos ang pag uusap namin na sobrang daldal ko. Hindi ko alam, kahit na hindi pa kami magkakilalang matagal ay para bang panatag na ako sa kanya. I feel comfortanble with him. Kaya naman dinadaldalan ko na siya.
"Hatid na kita," alok niya.
"Huwag na," mabilis kong piniling ang aking ulo. "May mga sasakyan naman sa labas," saad ko.
He look at me with his piercing eyes.
"Ahmm. Saan ba ang kotse mo? Sasakay na ako," sambit ko at nangising aso sa kanya.
Nakaka intimidate kasi ang mga titig niya lalo na kapag ganoon.
Pinatunog na niya ang sasakyan niya at pinagbuksan ako ng pintuan. Pagkatapos ay umikot na siya at pumunta na sa drivers seat.
"Saan kita ihahatid. Pupunta ka ba sa hospital o diretsong uwi ka na?" malumanay niyang tanong.
"Uuwi na," sagot ko.
Hinatid na nga niya ako pa uwi sa amin. Tahimik lang ang byahe namin at ang tanging ingay ay ang radyo. Isang romantic song ang pumainlanlang. Napaka soothing niyon sa pandinig.
Kinabukasan pagkatapos kong bisitahin si Daddy ay pumunta na ako sa restaurant. Ako pa rin ang magmamaage pero hindi na ako ang may ari. At least 'diba, hindi tuluyang nawala sa amin ang pinundar ni Daddy.
Dadating ngayon ang mga kaibigan ko dahil inimbita ko sila. Sasabihin ko na sa kanila ang balita ko.
May tatlo akong kaibigan. Si Vian, Ingrid, at Entiny.
Si Vian ang pinakamanang sa aming lahat. Hanggang ngayon ay wala pa ring nasyosyota. Focus na focus siya sa pag aaral dati at napabayaan na ang love life.
Si Ingrid naman ang pinaka bold sa amin. Pinakamatapang. Kapag gusto niya ay pipilitin niyang abutin sa lahat ng makakaya niya.
Well, Entiny on the other side was the most hopless romantic to us. May boyfriend siya ngayon ngunit na sa gitna sila ng crisis kung saan nagkakalabuhan na.
At syempre ako naman ang pinakamadaldal sa kanilang lahat. But deep inside I know to myself that I am longing for love. Kami namang apat ay ganoon.
Masaya ako na ikakasal na ako. Pero hindi ko naman maiaalis sa isipan ko na what if sa taong mahal ko roon ako ikasal. All of us want to tie the knots with the one that we love.
Pero hindi na ako mag iinarte. Brianedon is a big help for us. Big help for the reastaurant and for my fathers health. Laking pasalamat ko na kahit papaano ay may tao pa rin na handang tumulong sa amin.
Plus the fact that he is so handsome, hot, and seductive. Hindi na ako lugi sa kanya.
"Xena!" sigaw ni Vian at niyakap ako.
Sumunod ang dalawa at nakiyakap na rin.
"Guess what?" umpisa ni Entiny. "May pasabog ang lola Ingrid ninyo," natatawa niyang sambit.
"At ano naman iyan?" baling ko sa salarin.
Umupo na kami sa four seater na la mesa. Pinag order ko na rin sila ng mga pagkain. Alam ko naman na gutumin sila at hindi ko naman sila mapabayaan.
"Well, I had a one night stand with a man," she started. "And I want him. Feeling ko ay hindi lang panty ang na-fall pati na rin yata ang puso ko," madrama niyang saad.
Napatawa ako dahil sa sinabi niya. "Ikaw Ingrid ah kumekerengkeng ka na. You even let that man popped your cherry. Natamaan ka na nga," napapapiling na saad ako.
"Alam mo naman ba kung sino siya?" Vian curiously asked.
"Yup. But he is too high to reach. Ang hirap niyang makita ulit dahil isa siyang busy na business tycoon," napabuntong hininga ito. Namomoblema kung paano nga ba makikita ulit ang lalaking nagpatibok sa kanyang puso.
I know that Ingrid's feeling for that man is not just lust only or a game. Never naging serysoso sa lalaki si Ingrid. Oo nga at marami na siyang naging boyfriend pero ni minsan ay hindi siya nagpahalik.
"Don't lose hope. Makikita at makikita mo rin siya kung kayo talaga," the hopless romantic said.
"Anyways let's go to Xena's announcement," baling sa akin ni Ingrid.
"Uhmm," pagkuha ko ng bwelo. Madaldal ako pero kinakabahan ako. "Actually ikakasal na ako," mabilis kong saad.
Nalaglaga ang panga ng katabi ko. "What? Eh wala ka namang boyfriend 'diba?" tanong ni Vian.
"Oo nga. Ikaw talaga, Xena. Niloloko mo naman kami eh," tumawa ng peke si Ingrid.
"Seryoso na, Xe," pinagsiklop ni Entiny ang kamay niya at inaabangan ang sasabihin ko.
Napataas ako ng isang kilay. "Seryoso nga ako," pilit ko.
Tinitigan nila akong tatlo. Pinag aaralan ang aking reaction. Tinitignan kung totoo nga ang aking sinasabi.
"For real?" sabay na sabay na sambit nila at napatakip din ng sabay sabay sa bibig.
"Over acting na kayo, Gurls," nanghihinakit na sambit ko. "Feeling niyo ba na walang papatol sa akin?" madrama kong saad.
Mabilis na pumiling ang katabi ko. "Hindi naman sa ganoon. Nakakabigla naman kasi ang announcement mo. Parang kahapon lang ay single ka pa lang."
I sighed. "Sa totoo lang hindi naman produce ng love ang kasal namin. Alam niyo naman na nagkasakit si Daddy at kailangan namin ng panggastos," kwento ko.
"So ang ibig mong sabihin... binenta mo ang sarili mo?" gulat na tanong ni Entiny.
Napa make face ako. Ito talagang babae na ito kung ano ano ang iniisip.
"Duh," pagmamataray ko. "Siya ang bumili ng restaurant namin at isa sa mga kondisyo niya ay ang pakasalan ako," paglilinaw ko.
"Wow, hindi kaya mahal ka niya? Pwede namang bilhin niya lang ang restuarant hindi ba? Eh bakit kailangan ka pa niyang pakasalan?" tanong na naman ng pinaka hopeless romantic.
"Hindi naman siguro. Kakakilala nga lang namin. Paano naman siya in love sa akin?" natatawang sambit ko.
Pero paano kung totoo? Hala! Ang haba naman ng buhok ko kung ganoon nga.
"Inimagine mo naman," tudyo ni Ingrid at sumubo ng kanyang lasagna. "Eh sino ba iyang papakasalan mo?" tanong niya pagkatapos niyang malunok ang kinakain niya.
"Si..." hindi ko natuloy ang sinasabi ko ng mapabaling ako sa may pintuan.
Bumukas iyon at si Brianedon ang pumasok. Hindi ko alam kung bakit may pahangin effect. Napatitig ako sa kanyang mukha. Bakit ang gwapo?
Napapiling ako. This scene is familiar.
"Uyy titig na titig ka naman sa pumasok," bawal sa akin ng nasa harapan ko.
Nakita ako nito at ngumiti ng maliit.
"Type ka yata," bulong ni Vian.
Lumapit siya sa pwesto namin. "Hey," he said and kissed me on cheeks.
"Ang bilis naman. Galawang hokage," salita ni Ingrid.
Natawa ng mahina si Brianedon bago bumaling sa kanila. "Mind to introduce them to me?" baling niya sa akin.
Tumikhim muna ako. "Brianedon, mga kaibigan ko nga pala. Si Vian, Ingrid at Entiny," pakilala ko.
Tumigil ang tingin niya kay Vian at tinitigan ito. Luh, crush niya si Vi?
Ngumisi siya pagkatapos. "Brianedon here, Xena's finacé," he said.
"Eh?"
Kailangan talaga ganoon ang maging reaction? Mga maldita talaga itong tatlong ito. Hindi makapaniwala.
"Totoo iyon," asar na sambit ko sa kanila.
"I'll just go to the kitchen," paalam niya. "I'll be back. Sabay na tayong pumunta sa hospital," saad niya.
Pagkaalis niya ay napahampas ng malakas sa akin si Entiny. "Grabe ka! Hindi ka na lugi," sambit nito.
Napatango ako. I smiled genuinely. Kahit na hindi ko pa talaga kilala si Brianedon feeling ko ay swerte talaga ako na siya ang mapapangasawa ko.