"Xavier?" pukaw ni Aki sa atensyon ko. Nakasakay na kami sa family car namin at ihahatid ko na siya pauwi. Kanina pa ako tahimik at nakatunghay lang sa dinadaanan namin. Ang tanging tumatakbo lang sa isipan ko ay ang pagtawag ni Papa kay Mama kanina. "Hmm?" "Ayos ka lang ba?" "Yeah, I am fine." Kumunot ang noo niya. "E bakit antahimik mo?" I let out a soft laugh. "Lagi naman akong tahimik, ah?" "No, I mean," she paused. " Yung tahimik mo ngayon parang iba. Is there something bothering you?" I placed my hand around her shoulder. "Iniisip ko lang si Mama at si Papa." "Why? May problema ba sila?" I sighed. "Yeah, because of me." "Can I ask why?" "Yeah," mahina kong sagot. She attentively stared at me, as if waiting for me to talk. "Naalala mo n'ong nasapak ako ng ex ni Louise? Well

