Since that encounter earlier, hindi ko maalis sa isip ko ang usapan ni Aki at ni Jiro. She mentioned that she's going to die and that Jiro became mad because of that. Malamang sa 'di lang malamang e ayaw ipaalam ng magkapatid sa akin kung ano ang pinag-uusapan nila kanina. Bigla kong naalala na birthday party niya nga pala bukas. Imbes na dumiretso pauwi, lumiko ako sa kanto at pumara ng taxi. Pagkatapos ay nagpahatid ako sa pinakamalapit na mall. Naisipan ko na bumili ng regalo para sa kanya. Pagkababang-pagkababa ko ay pumunta ako agad sa entrance. Medyo konti ang mga tao ngayon dahil alas-tres pa lang ng hapon. Early dismissal kami ngayon dahil nagkaroon ng meeting ang mga faculty members para sa nalalapit na foundation week. Sa pagmamadali ko ay muntik ko nang mabunggo ang dalawang

