Gagawa kami ng booth ngayon. Base sa napag-usapan, pancakes ang ititinda ng section namin. Wala namang pumalag, wala rin naman kasing gan'on karunong magluto sa 12-A. Lance divided us into groups, kung saan ang boys sa carpentry at girls sa design. First time ko gagamit ng martilyo at pako pero syempre kailangan ko magpa-pogi points kay Aki. Magkasama sila ni Louise ngayon. I'm with Lance, karpintero kami ngayon kaya bawal muna landi. Ang kaya ko lang gawin ngayon e magpapogi. Napapasulyap ako sa kanilang dalawa dahil maliban sa silang dalawa lang ang magkasama, tawa nang tawa si Aki habang kausap siya. Mukhang nage-enjoy siya sa usapan nila. Wala namang kaso sa akin, like what I've said before, I don't hold grudges against Louise anymore. Let the past be buried and forgotten. As long as

