Today's Monday, and like what I've said, makikipag-usap ako kay Louise ngayon. My parents would be here around lunch, at since bago na ang principal na dumating n'ong umpisa ng sencond semester at dalawang taon na rin simula nang mangyari ang lahat ng 'yon, hindi ko lang alam kung maa-accomodate pa ang concern ko. Naglalakad na kami nina Lance at Aki papuntang cafeteria. Doon na raw makikipagkita si Jiro. I was planning to stay around a little bit bago ako magpaalam na magpupunta ng banyo. Napalingon ako kay Aki na nakahawak sa dibdib niya. Nakasandal ang ulo niya sa braso ko at marahan kaming naglalakad. Lance is walking a little bit faster because he has an assembly with the other class representatives kaya baka kumain lang siya saglit at pagkatapos ay mauna na. "Aki, are you okay?"

