Today's our first day dating each other. Sobrang gaan ng pakiramdam ko at halos kulang na lang ay kumanta at sumayaw ako habang nag-aayos para sa pagpasok sa eskwelahan. Hindi matanggal sa mga labi ko ang malapad na ngiti. Dumaan muna ako sa convenience store at bumili ng siopao para kay Aki. Pagkatapos, masigla akong tumuloy sa HCBU. Katulad ng nakagawian, kaunti pa lang ang mga tao dahil maaga pa. Tahimik kong tinahak ang daan patungo sa classroom namin sa third floor, huling palapag bago mag-rooftop. Doon na raw kasi kami magkaklase simula ngayon hanggang sa huling semester habang nire-renovate ang second floor na kung saan dating naka-assign ang room namin. I settled down on my seat as I waited for Aki. Wala pang tao sa loob, and I guess this is my right timing on making things clear

