“Bettina! Bettina!” humahangos na tawag sa kaniya ni Trina. Nasa ilalim s’ya ng punong acacia na tambayan nilang dalawa sa campus. Nag-angat siya ng ulo mula sa binabasang libro. “O, bakit?” salubong ang kaniyang mga kilay na tanong dito. Habol ang hiningang naupo ito sa tabi niya. “Look! Tingnan mo ito dali!” anitong hindi magkaintindihan sa pag-abot ng cell phone nito sa kan’ya. “Ano na naman ba iyan?” Walang kainte-interes na tiningnan niya ito. “Ito nga tingnan mo! Dali!” Halos ipagduldulan na nito sa mukha niya ang maliit na aparato nang hindi niya iyon tinanggap. Pairap na tiningnan niya ang ipinapakita nito. Pagkatapos, balewalang ibinalik niya ang pansin sa librong binabasa. Napakunot-noo si Trina. “Ganoon lang? Walang reaksyon?” taas ang isang kilay na tanong nito. “Hind

