Bettina realized that JE loves to swim. Isang bagay na nadiskubre niya habang kasama ito. He also loved doing some water activities. Kayaking, boating, snorkeling, and diving. Lahat ng iyon ay doon niya lang natuklasan. At sa araw na iyon, inaya siya ng asawa na mag-diving. Marunong naman siyang lumangoy, kaya mabilis niyang natutuhanan ang mga sinasabi nito. Isa pa, matyaga itong magturo. Sinigurado talaga nito na maalam na siya, bago pa sila dalhin ng inupahan nitong bangkang de-motor sa diving spot. “Ready?” anito sa tabi niya habang nakaupo sila sa gilid ng bangka. Nakasuot na siya ng diving gear at may oxygen na rin sa likuran niya. Nakangiting tumango siya rito. JE put her mask on, pagkuwa’y ang sa sarili naman. Pagkatapos ay nauna na itong nag-dive sa tubig kasunod siya. It

