Namula nang husto ang mukha ni Bettina sa sinabing iyon ni JE. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip nito at ganoon ang mga lumalabas sa bibig. Pakiramdam tuloy niya totoo talagang nanliligaw ito at hinihingi ang permiso ng kaniyang ama. “Iyon ay kung sasagutin ka ng anak ko,” kumpyansa sa sariling sagot ng kaniyang itay at humalukipkip. “Sandali nga, kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ka man lang nagpapakilala sa akin. Bawas puntos ko na iyan sa iyo,” hirit pa nito na ikinatawa naman ni JE. “Oho nga pala, pasensya na ho. Ako nga po pala si JE Mallari,” pakilala nito sabay lahad ng kamay. Walang pag-aatubiling tinanggap iyon ng kaniyang ama. “JE?” patanong na sabi nito na bahagya pang kumunot ang noo. “Pinaikli po ng Jose Emilio.” “Ah. . . Ako naman si Mang Pedring. Emilio

