IV

1124 Words
IV     "Candy, we have to go!" agaw niya sa pagtatawanan ng mag-ama niya habang inaayos ni Leandro ang niluto nito sa planerang hinanda niya kanina para dito. "P-po, m-ommy?" malungkot na tanong ni Candy. Lumingon sa ama nito nangungusap sa gusto niyang mangyari. Nakaramdam man siya ng awa para sa anak, she needs too. She can't stay longer with Tiffany sa iisang gusali lalo pa't pinamukha nito sa kanyang sa pagmamay-ari nito ang restaurant na kinaroroonan nila. "S-sumama pakiramdam ni mama e, baka I can't drive." pagsisinungaling niya sa anak nilang 'di nakatingin kay Leandro. "Pero kakain palang kami ni dada, mommy!" aniya ni Candy. Sinulyapan niya si Leandro na nakatingin sa kan'yang nagtatanong sinalubong niya ito ng nangungusap na tingin, na tulungan siyang kumbinsihin si Candy that they need to go, they should to go. "U-uhm, a-anak ipagbabalot ka nalang ni dada, and if you want magdadala pa si dada pag-uwi niya." ani Leandro sa anak nila. Umiwas siya ng tingin. Heto na naman ito nangangako sa anak nilang hindi kaya panindigan. Naisip niya. "Don't be hard headed little girl. Sigi na magbabalot na si dada." sinundan niya ng tingin ang dating asawa ang pagkuha ng tupperware nito maging ang pagsandok ng pagkaing ginawa nito para sa anak. "You promise dada, you will come home early ha! para sabay tayong kumain nina mommy." narinig niyang pakiusap nito sa ama. Muli silang nagkatinginan ulit ni Leandro na agad naman umiwas ang huli. Tumango-tangong nakangiti kay Candy bilang pagsang-ayon sa hiling nito. "H'wag kang mangangako kong 'di mo kayang panindigan!" lumabas sa bibig niya ng kunin niya ang tupperware na inaabot nito sa kan'ya. Tumalima siya inakay sa kamay ang anak nila matapos itong magpaalam kay Leandro. "WHERE they are?!" boses ni Tiffany ang nagpabalik sa katinuan niya sa 'di malamang dahilang pagmamadali ni Candice umuwi. At malakas ang kutob niyang may kinalaman ang dalaga. "G-going home!" maiksi niyang sagot sa dito. Binalikan niya ang mga nagawang kalat nila para linisin. "And, you look sad?" pang-uuyam nito nanatiling nakatayo, napahalukipkip. "May nangyari bang 'di maganda sa inyo ni Candice?" tanong niya dito. Biglang tumawa si Tiffany, umikot paharap sa kan'ya. "Narinig mo ang sinabi ko Leandro! If she will make scene, ipapaala ko sa kan'ya kong anong meron tayo at wala na siya!" galit nitong bulyaw sa kan'ya. "Hindi pa ba malinaw sa'yo na ang lahat ng 'to para kay Candy!" kalmado niyang sabi dito. Umikot lang ang tingin nito. "Malinaw sa akin ang lahat ng 'to! Ewan ko lang sa ex mo kong malinaw sa kan'ya na wala na kayo!" dagdag nito. Humigit siya ng sariling hininga hindi alam kong paano ipapaintindi sa dalawa ang sitwasyon nilang tatlo. Na ang lahat ng pagkukunwari nila ni Candice ay para sa kapakanan ni Candy. "I-i'm sorry! kakausapin ko si Candice, pakikiusapan ko siya na sana h'wag na maulit 'to!" aniya dito. Natigilan si Tiffany, naging malumanay ang kaninang masakit na tingin nito sa kan'ya. "I trust you, Leandro! alam kong matatapos rin 'to. That you will be completely mine!" napangiti sila sa isa't isa. Umikot ito sa tabi niya, niyakap siya ng mahigpit. "Alam mo kong gaano kita kamahal at alam mo na ipaglalaban ko hangga't dulo ang pagsasamang 'to!" bulong nito sa kan'ya. Kinintalan niya ito ng pinong halik sa ulo nito. "I love you more than you loved me, Tiffany. Alam kong alam mo 'yan!" ganting bulong niya sa punong teynga ng dalaga. "Mommy, anong oras po ba uuwi si daddy dito?"  natigil siya sa nilalaro niyang candy crush sa cellphone niya ng marinig ang tanong ni Candy, napatingin siya relong nasa tabi nito pasado alas-syete na ng gabi. "U-uhm, walang nabanggit si dada anak e, pero baka late na siyang umuwi." aniya ditong hindi nakatingin kay Candy. Humiga ito sa binti niya humikab ng sunod-sunod. "Sana gising pa ako pag dumating si dada, I want to see him before I sleep kasi pag-gising ko wala na siya e." hiling nito. Napatingin siya sa cellphone niya nagdadalawang-isip kong tatawagan ba si Leandro. "Baka parating na rin baby, you can sleep mama's lap for awhile tapos gigisingin kita." kumbinsi niya dito. Sinunod naman siya nito pumikit itong nakangiti. "Promise me, wake me up me ha mama," aniya ni Candy sa kan'ya. Ilang sandali nakatulog ito sa tabi niya dala na rin siguro ng pagod sa byahe nila pauwi at sa pagtambay nito sa resto. Napatingin siya sa front door nila wala man lang bakas ni Leandro na dumating tulad ng madalas nitong gawin gaya ng naging usapan nila nang pumayag siyang maghiwalay silang dalawa. "I-i'm sorry, Candy! i really don't know what's happening. Baka bumawi si daddy kay Tiffany, baka Tiffany don't let him to go here to be with you before you sleep anak!" bulong niya sa bata nang mapagtantong wala na talagang balak pang pumunta ni Leandro. Naramdaman niya ang mga luhang nagbagsakan mula sa mga mata niya sa lungkot na nararamdaman para sa batang walang kaalam-alam sa nangyayari sa pamilya nila. "Sooner or later, malalaman mo rin ang lahat anak! makakaya rin ni mama ipagtapat sa'yo ang lahat na 'di ka masasaktan na matatanggap mo, that we are not longer a family!" huling bulong niya dito matapos pungkuin si Candy hanggang sa silid nito. Inayos niya ang higa nito bago niya ito iwan, pagkasarado niya ng pinto nagpasya siyang tawagan si Leandro. Gusto niyang marinig ang paliwanag nito sa 'di pagsipot sa usapan nilang set-up para kay Candy. Naka-ilang dial na siya ng may sumagot sa awditibo walang iba kundi si Tiffany. Umigting ang panga niya sa naalalang sagutan nila kanina lang. "What you need?" bungad nito. "Gusto kong makausap si Leandro!" usal niya ditong may galit. "Oh, nagshoshower siya e! alam mo na we're about to sleep na, so! bago matulog alam mo na..." aniya nitong may pang-aasar sa boses nito. Napabuntong-hininga siya sa nais nitong tumbukin ng kausap sa kan'ya. "Pakisabi sa kan'ya hinahanap siya ni Candy, na tumupad siya sa usapan! dahil baka nakakalimutan niyang kasal pa kami! na sa akin pa ang lahat ng karapatan bilang asawa!" matapang niyang bulyaw dito. Tumawa ang kausap. "Kasal lang sa papel, Candice! at ang pagkakaalam ko pinawawalang bisa na ni Leandro! kaya kahit na sa'yo ang karapatan na sa'kin siya, sa akin lang!" totoong sagot nito sa kan'ya. Muli siyang napatiim-bagang sa mga sinabi nito. "Tandaan mo 'to Tiffany! Ipaglalaban ko ang pamilya ko!" matatag niyang tugon dito. Tumawa ito ng mahina. "Kahit ano pa ang gawin mo, Candice! pinaglaban na ako ni Leandro! Hindi mo na mababago 'yon!" ganting tugon nito sa kan'ya. Napalunok siya ng sunod-sunod ng marinig ang pagpindot nito ng end-button. Napapikit siya't 'di napigilan ang galit na naramdaman sa mga sinabi ni Tiffany. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD