CHAPTER ELEVEN NAGING masaya ang unang araw nila ni Tiffany sa boracay. Halos nagawa na nito lahat ang gusto nito lalo na ang madalaw ang puntod ng daddy nito na may malaking bahagi sa pagsasama nila sa kasalukuyan. "Ayaw mo ba talaga magswimming?" untag sa kan'ya ng dalaga sa tabi niya habang nakaupo siya sa pandalawahang mesa sa harap ng karagatang pinagyaman ng mapuputing buhangin kaya patuloy na dinarayo ng lokal o, turista. "Mamaya na ako Tiffy! Just enjoy." Niyakap siya nito patalikod. "Iniisip mo ba sila?" Tukoy nito kay Candy at Candice alam niya. Hinawakan niya ang kamay nitong nakayakap sa kan'ya. "Just like I promise you, sa atin ang mga sandaling 'to, alright?" Kumuwala si Tiffany hinarap siya't kumikinang ang mga mata. "Pinaasikaso ko na kay tita visa natin going to US

