VICTORIA'S POV Papasok na ako ng van nang biglang may tumawag ng name ko. Agad naman akong napalingon kung sino iyon. Nakita ko si Elison na papalapit habang nakangiti sa akin. "Eli," nakangiting sambit ko sa kaniya. "Congratulations, Iya! Nabalitaan ko na ang taas ng ratings ng Today with Kim dahil sa iyo," sabi niya pa kaya naman napangiti ako. "Ah, thank you," sambit ko pa kahit na nag totoo ay alam ko at expected ko na magiging mataas talaga ang ratings nila dahil sa akin. "By the way, pupunta ka ba sa birthday ni Tita Chantal? Sam invited me," sambit niya pa. Ngumiti naman ako bago tumango. "Yes, vacant ko yon," sabi ko pa sa kaniya. "Oh, see you there," nakangiting sabi niya bago siya nagpaalam. Ang pagkakaalam ko may shoot siya today, kaya naman nakaporma siya. Papasok na

