VICTORIA’S POV “Iya, everything is ready,” sabi ni Eliz sa akin habang ipinakita ang kabuohan. Napangiti ako dahil nagustuhan ko ang arrangement ng gamit ko sa bago kong bahay. Kumuha na rin ako ng maids para naman may makakasama ako dito. Actually, nagpapalinis lang ako ng condo unit ko but now, I really need them, same sa tagaluto at taga-laba, Bale apat na silang lahat. Mamayang gabi ang celebration dito. Like Cameron, gusto ko rin ipa-bless ang new house ko. Medyo stress lang ako mabuti na lang talaga at wala akong work ngayon. Isa pa may bago rin akong project after ng movie na ginagawa namin. Wala si Conrad at hindi ko alam kung asan siya. Ang sabi niya kasi may kilala siyang naghahanap ng work as my guard here. Baka sinundo niya iyon or what dahil hindi naman siya nagpaalam. “

