VICTORIA’S POV “I love you, Victoria green!” rinig kong sigaw ng isang fan ko sa di kalayuan. Kita ko rin ang ibang may mga tarpaulin pa na may mukha ko. Kaya naman napangiti ako sa kanila. Patapos na ang mall tour namin. Papasok na sana ako ng backstage nang biglang may kumalabit sa akin. Nang mapalingon ako ay nakita ko ang isang dalagita na nagpupumiglas habang hawak ng guard. “Teka lang po, Mamang guard! May ibibigay lang ako kay Miss Victoria!” sigaw niya at hindi pa rin natigil sa kakapiglas. Hindi ko alam kung bakit ako lumapit sa kanila dahilan para mapatingin at mapatigil sila sa akin. “Ma’am, pasensya na po,” sabi ng gaurd bago nito binuhat ang bata pababa sa stage. “Wait, let her go,” sabi ko sa kaniya. Agad naman akong sinabihan ni Eliz. “But, Iya–” Hindi ko na p

