VICTORIA’S POV Palabas na ako ng banyo nang biglang bumungad sa akin ang isang lalaki. Nakasandal siya sa pader sa harap ng pinto ng banyo. Akmang lalagpasan ko siya nang bigla niya akong harangan. Tinaasan ko agad siya ng kilay dahil sa inasta niya. Anong problema niya? “Yes?” tanong ko sa kaniya. Dahil hindi naman kami close pero kung makaasta siya ay para bang magkaibigan kami. “Siya ba ang bago mo kaya ni-reject mo ako?” tanong ni Ashton habang prenteng naka-suot ang kamay niya sa bulsa ng jacket niya. “Pwede ba, Ashton? Wala akong panahon makipag-plastikan sa iyo,” smabit ko at tinarayan lang siya bago ako akmang aalis na pero mabilis naman siyang humarang sa daanan ko. Huminga ako ng malalim bago tinasaan siya ng kilay. “Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko, Victoria? Ano

