AVIANNA’S POV Nag-scroll ako sa shareme nang madaanan ko ang post ni Ate Iya. Agad ko iyong ini-heart pero nakakapagtaka lang. Siya lang ba mag-isa pero sa bawat picture niya ay may nagpi-picture sa kaniya. Muli kong ini-scroll pa ang timeline niya. Nakita ko doon na may picture rin siya sa dining area. Imposible naman sigurong may kasama siya sa hotel? At ganito karami ang niluto niya sa pagkakaalam ko hindi siya sanay magluto. “Ry, sigurado ka bang mag-isa lang si Ate Iya na umalis?” tanong ko kay Riley na kararating lang. Nandito kasi kami ngayon sa Baguio. After christmas nagka-ayaan sila kaya ito. Magkakasama kaming nandito. “Yes, iyon ang sabi ng Manager niya. Hinatid pa nga raw siya nila Ate Elizabeth, why?” tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako at umiling. Kung ganoo

