VICTORIA’S POV “What did you say? Natakasan kayo ng hampas lupang iyon?!” nanggigil na tanong ko sa kanila. “Madame, hindi siya ordinaryong tao lang–” Agad na napataas ang kilay ko sa sinabi ng isang lalaki. “What are you going to say? That stupid guy is a superhero? Naka-drugs ka ba?” mataray na tanong ko dahilan para matawa ang iba. “Anong nakakatawa? At ikaw, Caloy! I told you na iligpit mo na siya!” sabi ko sa kaniya habang hindi pa rin naalis ang inis ko. “Madame, hindi siya basta-basta,” sabi ni Caloy habang nakamot sa ulo niya. Mas lalo akong nanggigil dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natuturuan ng leksyon ang lalaking iyon. Nakita ko na lang silang mga may mga pasa sa mukha kaya naman talagang hindi na ako natutuwa! Sa inis ko ay umalis na ako. Kailangan kong makuh

