VICTORIA’S POV Napangiti ako nang mapatingin muli sa salamin na nasa harapan ko. Nakasuot ako ng silver grey backless dress. Dahil grey raw ang theme color kaya ito na lang ang napili ko. Mabuti na lang at mabilis na nai-deliver ito kahapon. Ayoko pa man din magsuot ng cheap at lumang damit. Kaya nga nagkaroon ako ng waliing close dahil sa sobrang dami ng damit ko. “Perfect na yan, Iya! Kahit siguro pagsuotin ka ng pipitchuging damit ay magmumukhang gold,” sabi ni Eliz na nakangiting nakatingin sa dress na suot ko. “Aba dapat lang! Ayoko nang nagmumukha akong decoration sa party mamaya,” sambit ko pa sa kaniya. “Nga pala, for sure aa-ttend sila Tita Val,” sabi niya paa. Expected ko na iyon dahil kaibigan ni Mom si Tita Chantal. “Hindi naman siya mawawala kasama ang mga anak niya,” s

