TALIA’S POV Akala ko ang sasaya na ako dahil nandito kami sa bahay nila Riley pero mas lalo pala akong maiinis dahil kay Avianna na hindi tumitigil sa pagpapasikat sa mga tao dito. “Nasa highest rank si Riley ngayon hindi ba?” tanong ni Tita Chantal kay Tita Val habang nakangiting nakatingin kay Riley. “Yes, Since malapit na rin ang graduation at three months na lang ang hihintayin. College na sila,” sabi ni Tita Valeria. December na ngayon at may three months na lang ako para tapusin ang mga hindi ko tinapos na projects. “How about you, Natalia? Ang sabi sa akin ni Avianna ay ikaw nakoronahan this school year as Miss Eastwood,” sabi ni Tita Chantal kaya napangiti na lang ako sa kaniya. “Sabagay, nakakapagtaka ba naman iyon? Sa ganda mong iyan, dapat lang na ikaw ang maging Miss East

