AMY Ang akala ko ay magiging maayos kahit papaano ang pagiging partner namin ni Francine, pero mali pala ako ng aking inakala at inasahan. Wala siyang ibang ginawa kundi bigyan ako ng masasamang tingin na nakakapagpa-ilang sa akin. Pagkatapos niyang magreklamo kanina ay wala naman na rin siyang ibang nagawa kundi manahimik. Dahil kagaya ko, parehas lang kaming napilitang tanggapin ang pagiging magka-partner namin. "Francine," malamig na tawag ko sa kanya. Hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin natatanggap sa sarili ko ang kasamaang ginawa niya sa pamilya ko, na kung saan ay nadamay rin ang kina Sean. "Kung pwede, kahit sa ngayong project lang na 'to eh magkasundo muna tayo," pakiusap ko sa kanya, nilunok ko na muna ang pride ko sa mga sandaling iyon upang masabi ko iyon. Kasalukyan kamin

