SEAN Bahagyang dumidiim na sa paligid namin dahil malapit na bumagsak ang araw at sumapit ang gabi, pero narito pa rin kami at nawawalan na unti-unti ng pag-asa na mabuksan namin ang pinto ng bar na ito. Iniwan ko muna saglit sina tita at tito para libutin ko ang buong labas ng bar, baka sakaling may mahanap akong ibang daan para makapasok kami roon kaso wala. Maski bintana ay wala man lang, hindi ko alam kung paano iyon biglang nawala kasi dati ay mayroon namang bintana ang bawat palapag nito, kahit pa ang unang palapag. Siguro ay pinagplanuhan na ito maigi ni Alicia para sa gagawin niya kay Amy, pero inalis ko agad sa isip ko ang tungkol sa manager na iyon na walang puso. Agad kong inalala ang takot ni Amy sa mga madidilim na lugar, nakaramdam ako ng matinding pag-aalala kasi nag-iisa l

